Sunday, February 7, 2010

PB 2G (walang) Kaaway Poll

Hindi porke't wala kang kaaway ibig sabihin mabait ka na.  Puwedeng kasing natatakot sa iyo kaya hindi ka maaway.  Puwede rin namang makapangyarihan ka kaya walang umaaway sa iyo.  Tapos, ang Switzerland ang isang bansang walang kaaway, pero hindi sila mabait.

Having said that, tingin ko mabait talaga si Kuya Jim.  At hindi ko talaga maisip kung paano siya magkakaroon ng kaaway sa isa man sa 2G.  Actually pati sa 1G.  Sa 3G siguro, mga anak lang niya hahaha. Pero tampuhan lang iyon at hindi away.

Congratulations Tito Jim, dahil paulit-ulit mo ng pinapatunayan na sa tingin ng PB ikaw talaga ang isa sa o ang pinakamabait na 2G.

Tito One and Tita Che-Che are tied for 2nd place.  Di ako nagulat kay Tito One, kasi wala rin akong maisip na puwede nyang makaaaway.  Binoto ko si Tita Che-Che, pero nagulat ako na marami ang bumoto sa kanya, kasi matabil din ang dila nyan e.  hahaha

Tito Jorge, Tito Egay and Tita Edith are also in the Top 6.  Well-done and congrats.

(thanks to the 7 who voted for me.  Sa mga hindi bumoto sa akin...humanda kayo.  mwa hahaha.  joke lang baka bumaliktad pa ang 7 votes ko)


4 comments:

Che said...

Haha, alangan naman na may makaaway pa ako eh twice a year lang ako halos nasa Pilipinas...at sobra na pag may makaaway pa ako sa blog! :)

Darwin's Theory said...

tse!-che. parang ang saya-saya mo naman, dahil na2nd place ka

egay said...

Che, tagumpay ang pagboto natin dalawa sa isa't isa ng 14x! Yung isa na extra boto, tnx, kung sino ka man! he he he

ayo said...

konti bumoto sakin? pasensya na high blood kasi ako lagi hehe