Nanunuod ba kayo ng PBA? Dati kasi naaalala ko, nanunood kami ni Ayo live either sa Ultra or sa Araneta. Pero ang tagal na nun. Sa TV naman, kung hindi lang din championship e mahirap na rin sundan, dahil parang iba't-ibang channel na rin ang nagpapalabas.
Pag inisip mo ring mabuti, unti-unti na talagang nababawasan ang kasikatan ng PBA. Sobrang nakakalungkot. Buti na lang marami pa ring nag-ba-basketball sa bawat kanto at barangay ng buong Pilipinas. Dati ang lahat ng tao ay nag-uusap pag may championship, ang mga active basketball players ay lumalabas sa TV shows at sa pelikula ("boyfriend ko si Alvin, si Gerry at si Paul" by Mahal), laging may billboards sa mga highways at merong ibang produktong ine-endorse (Samboy for socks, Cezar for VulcaSeal).
Ngayon, ang 2 pinakasikat na basketball players sa ibang media ay sina:
1) James Yap. Korek taga-PBA nga. Pero naman, talaga bang dahil sa PBA kaya siya nasa media spotlight?
2) Chris Tiu. Wala sa PBA. Sikat siya dahil sa UAAP.
Dati rin, ang Top Shows sa TV ay basketball. Nung panahon ng Crispa, Toyata, Utex, Great Taste, bawal manuod ng ibang palabas sa buong PB at sa buong bansa ata. Noong 1980's naman, laging no1 sa TV ang basketball dahil sa Purefoods, San Miguel, Alaska, NCC, at syempre Ginebra/Anejo.
Ngayon, bihirang-bihira mag-rate ang PBA. Kakalungkot. Sabi nga ni Ayo, ang mga imports ngayon di na rin sikat. Dati kasi, may TV commercials pa si Michael Hackett at si Billy Ray Bates. Ngayon, kilala nyo pa ba kung sino ang imports ng bawat team?
Marami nga ang opinyon tungkol dito e, puwede kasing:
1) Rise of Fil-ams. Nagsimula ito noong 90's at sobrang dumami nung 2000. Nakakatulong ba ang mga mga Fil-ams sa PBA? Ayos ba ang proseso sa pag-alam kung sino ba ang totoong Fil-am? at ang totoong foreigner?
2) Suweldo. Ang balita, mas mataas ang bayad sa mga imported Fil-ams kesa sa mga Pinoys-discovered in the Philippines.
3) Cable TV. Hindi naman kasi lahat may access sa Solar Sports. Kung yung ibang network nga mahina ang signal sa probinsya, iyo pa kayang mga cable channels
4) Poor Asian Games Showing. Di na tayo nakakapasok sa Semi-finals ng mga Regional Event. Nung 1990 Silver Medalist tayo sa Asian Games behind China. So di na pala nakakapalag ang PBA team sa international scene.
Sana may gawin naman ang management para sumikat ulit ang PBA. Sayang kasi.
No comments:
Post a Comment