Nakisabay ako kila Tito One at Tita Eyan. Umalis kami sa Binan ng mga 9:20 and decided to take C-5, kasi nga may constrcution daw sa Cubao. Nakarating kami before 11am and surprisingly, ang dami ng tao. Andun na sila Tita Edith, Tita Ate, Lolipot, Sila Tito Jim, Tita Yet. Halos maluha nga ako ng makita na andun na si Tito Jorge. Di po sya late.
Habang hinihintay sila Tito Par, dahil nagsimba sila, e nagkainan na ng barbecue ang mga tao. Ako naman putong puti ang inupakan. Ang mga kids naman ay ang mga Gummi Worms.
Nag-meeting ang mga 2G para sa nalalapit na Palawan Outing. Nagbayaran na rin ang mga tao, para sa plane fare. Sana nakabayad na ang lahat. Napagkayarian na subukan ang Hotel Asturias instead of the original Dangkalan resort. Mas maganda kasi ang Asturias syempre, kasi parang 4 Star-Hotel ito. Di rin kasi ganun kaganda ang reviews sa Dangkalan. Mas magiging mahal ng 1,000+ sa Asturias, pero nag-agree naman ang lahat. Titignan daw ni Tita Petite kung available ang hotel, at siyempre susubukan din niyang tumawad.
Di katagalan, dumating na rin sila Tito Par, Ditse, Nanay and kids + Tito Ayo. Nakabalik na rin sila Tito Boyet, so kainan na. Maiba naman, wala pong plastic ang mga plato namin this time =). Ang daming pagkain as always: Fried Chicken, Roast Pork in White Sauce, Pinakbet, Pritong Dalag, Arroz at Crabs. At endless supply of softdrinks. For dessert merong leche flan, iyong cake ni Karen na nalimutan ko ang tawag at fruits, Sarap!
After lunch, nag-practice na ang mga kasali sa 18 Roses. Meron pang dalang choreographer si Tita Edith, ayos! Maayos naman ang mga dance routines nila ha inferness. So I think this number will be one of the highlights of the night. Habang nag-pra-practice, ang mga bata naman ay naglalaro at kumakain ng Gummi Worms. Iyong mga oldies naman ay nag-cards: Baccarat, Pai Gow, at Carribean Stud Poker. Correct! Pangmayaman na talaga.
Bandang alas-3, merienda time na. Merong spaghetti, sotanghon, putong puti at kalamay. Plus maraming desserts. After ng merienda, balik sa practice at card games. Si Tito Boyet naman ay nag-videoke with his trademark carrier songs of Ariel Rivera, Elton John and his look-alike Billy Joel.
A very relaxing Sunday for everyone. Mabilis ang araw, pero magkikita na naman kasi in 2 weeks sa Bday ni Camae...so till then.
Pero for now, Happy Birthday ulit kay Tito Boyet.
No comments:
Post a Comment