Friday, January 8, 2010

RFID

Pag nagpa-renew kayo ng car registration nyo this 2010, kasama na ang RFID registration.  Ang RFID = Radio Frequency ID.  Ginagamit na ito sa ibang bansa.  Analyze natin ha:

Postive
- Gaya ng paggamit sa ibang bansa, makakatulong ang RFID pag na-carnap ang sasakyan mo.  Madali nga kasi ma-trace kung asan.
- Makakabawas din ito sa Hit-and-Run incidents, kasi pag alam mo ang plate number madali ng mahanap kung nasaan ang bumangga sa iyo

Negative
- Iyon lang, madali ka ng mahanap ng LTO.  Wala ka ng maitatago, privacy issue kung baga.
- Puwede ng ipahanap ng asawa mo kung asan ka.  At puwede ka ng imbistagahan ng boss mo kung talaga bang asa kliyente ka. 
- Mega negative ang presyo = 350 pesos.  Sobrang mahal naman lalo na sa mga public utility vehicles, ibig sabihin puwede magtaas ng presyo.
- Super mega negative = Sa October pa ang target implementation.  So nagbabayad ka na, e di pa naman gumagana.  Ang hirap ngang ma-gets kung bakit naninigil na e sa Oct pa naman gumagana.

No comments: