Thursday, January 14, 2010

1 month to go before Camae's Debut

Saktong 1 buwan na lang Debut na ni Camae.  So, reminders at 1 intriga hehe

1)  Kanya-kanyang gawa ng masks ang PB.  Asa baba po ang instructions on how to create a mask

2)  Naisip ko lang, Tito _ I _.  Di ka kaya ma-accuse ng favoritism nyan?  Kasi dati di ba sinagot mo at inispell pa ang C A K E.  E bakit ngayon hindi mo sinagot.  Mwa ahahhaa

Mahirap pala ang sumagot ng ganyan sa una ano, habang buhay ka maaalala.

3)  Please please prepare your speeches.  Maski na po iyong mga magagaling na speakers tulad nila Steve Jobs e nag-pra-practice at very-well prepared.  Di naman kelangan in English, uso na rin ang Tagalog, basta maayos.  Para bongga ang mga taga-PB sa Feb 13. 

4)  Ate Edith, forgot to ask.  Mas prefer mo ba na ang PB ay magbigay ng gift kay Camae o tumulong sa preparations.  Naisip ko lang kasi na usually pag may occassions e volunteer ang PB na sagot ang iba't ibang items.  For example, puwede naman kasi ang treasures e "Video" o kaya "Cake" o kaya "Flowers" or "Souvenirs".  Actually ito talaga ang pakay ko nung meeting nung Sunday, kaso etong si Ate Yet kung anu-anong birthdays ang mga sinabi, nabaliw na rin ako sa mga kathang isip na parties.  Text me ha.

Sobra ba kong straight to the point?  Hehe.  Ganito po talaga ako pinanganak, di masyadong mahiyain.  At di nahihiyang magsabi at magatanong =).

5) 18 Roses/Dances
Hi Camae,  eto naisip ko if you want.   Di ba gusto mo yung mga friends mo ay magsayaw ng traditional dances.  Eto naisip ko:

First music will be the prelude to Phantom of the Opera - Masquerade.  OK kaso ang intro nun e.  Pero parang mas OK kung taga-PB ang unang 2 traditional dance, para puwede nating gimikan so ganito:

Phantom of the Opera Masquerade, then transition to This Masquerade,  Beauty and the Beast song
1) taga-PB kasi may gimik
2) taga-PB kasi may gimik
3 -7)   mga friends ni Camae to perform traditional Waltz Dance
8)  taga-PB to transition to modern music
9-18) taga-PB to dance to modern music

OK sa iyo ito Camae?

3 comments:

18 treasure member said...

mas mahirap pa nga ngayon mag isip ng regalo o treasures. kung bibigyan mo ay mas mapera pa syo
,mas ok nga kung sasabihin syo kung ano sagot mo di ka na mamoblema, pero ok lang , kaya ka nga binigyan ng utak para mag isip ka, ha ha ha

edet said...

Nice suggestion Tito Ido pero baka mag 300/200 BP ni Jim. hahaha
Di ko akalain na ganun na video package ngayon or baka naman kasi depende din. For the cake, sa Sofitel un kasama ng package but I know the cost kung sagutin ni cousin Jim. Yun give aways, party pics, medyo mura-mura ng konti, gold package kinuka ko.

Charisse said...

Opo Ninang Edith talagang mahal na ang Video and Photo package po ngayon. Gulat din po kami ni James eh nung ng-inquire kami for our wedding.