Sunday, January 24, 2010

2nd PB Poll Prize - BURBERRY

October 2007.  London England.  Pagtapos na kasi ang summer nag-me-MEGA-SALE na sa Europe.  Kasi nga Fall/Autumn na so out of season na ang mga Summer Clothes. 

3 days lang ako dun  for a meeting.  Nung huling araw, meron akong 3 hours before my flight, so sabi ko shopping muna ako. So nung napadaan ako sa shopping centre, nakita ko na Sale ang Burberry. Bihirang bihira lang talaga mag-sale ang Burberry, so perfect chance.

20% ang mga polo shirts.  Yehey!  Ang dami kong nagustuhan.  So ang ginawa ko tumawad ako, hehe.  Korek po, tumatawad talaga ako sa mga sosyal na stores ( Iyon pong isa kong bag na sosyal, e tinawaran ko ng 50% hehe).

Naisip ko kasi, around 6,200Pesos ang isang polo shirt.  Sabi ko bibili ako ng 4, gawin niyang 40% discount.  Sabi ko ang layo pa ng pinanggalingan ko kaya ibigay na niya.  Kinausap nya ang manager - at ayun binigay nga ang tawad ko.  Patay bibili ako ng 4 na polo hahaha.

Anyway, cut the long story short.  Pag-uwi ko ng Pilipinas, ang gaganda ng Burberry ko hehehe.  Lahat ng polo ko e either S or XS.  Etong isang polo, pasaway.  Small ang size pero ang laki pa rin sa akin =(.  Ang haba ng manggas, ang haba ng shirt at lagpas sa balikat ko.

Isang beses ko lang naisuot ito, at di ko na talaga masuot uli dahil nga sobrang laki.  So bago pa mag-3 taon ang shirt na hindi naisusuot, sayang naman... 


Baka merong 3G na gusto ng sosi Burberry shirt?




Eto ang rules:
1)  PB Poll uli ang mag-dedesisyon parang jacket
2)  Kapag merong tie sa 1st place - iyong next placer ang mananalo =).  Hehe natuto na ako.  Kung tie ulit, e di yung next na naman.
3) Kelangan po ang mananalo merong more than 15 votes. 
4)  Ngapala, kelangan po handwash ang polo ha, bawal po i-washing machine.  At ayusin nyo po ang pag-hanger.  6,000 po talaga ang polo na yan, huwag nyo pong i-clorox hehe.
Eto po ang link kung di kayo naniniwala:
http://uk.burberry.com/fcp/categorylist/dept/mens_apparel_t-shirts
5) Deadline po ng pagboto ay sa Sabado, January 30 mga 10pm.
6) Dapat po ang mananalo pupunta sa party ni Tito Boyet.  Pag wala ang winner, ibibigay sa next placer

Good Luck!

8 comments:

Anonymous said...

bagay na bagay yan kay raprap.:)

isang tagahanga said...

kay Joshua ko gustong mapunta kasi astig pang-porma nya yon bagay sa kanyang bagong shoes...

1 of 3 girlfriends said...

lalo nmang mas bagay yan kay hunny Kevin ko

di makakakuha ng polo shirt said...

ay ang laki ng tiyan ni tito ido!

Darwin's Theory said...

exactly! kaya rin di ko sinali ang mga 2G - malalaki rin ang tiyan hehehe

kevin said...

aus ah! sino ung hunny ko na yan hahaha

evot said...

ang dami mo kc hunny kevin kaya d mo kilala ung hunny na ngcomment...hehehe...

kevin said...

ahahah! d totoo yun! napakabait ko e! one woman man ako e...hehe