Saturday, January 2, 2010

PB New Year's Party

Walang plano, walang agenda, walang pilahan. Pero sobrang saya pa rin ng 2010 New Year's Party. Once again, asahan ang PB to step-up sa kawalan.


Let us count the ways....

#1) Food

- For the first time, magsisimula tayo sa food. Sa English, ito ay "embarrassment of riches". Ibig sabihin ay halos nakakahiya ng pakita ng kayamanan. hahaha.

- Ano bang lechon yan? alas-8 na ng gabi malutong pa rin? Pambihira. At ang lasa...simply divine. Sakto ang alat, tamis at ang pangontrang lemongrass. Thanks Tito Par for this memorable dish.

- Actually galing din kina Par at Ate Bhogs ang sandamakmak na fruits (nag-uwi kayo ano?), at ang mga champagne.

- And...merong barbecue at merong barbecue from Lolipot and Tita Edith. Aside from sobrang sarap, para rin itong pitaka ni Ate Edith...Bottomless. Di ko na nabilang kung ilang barbecue ang nakain ni C_____ at ni D____, pero grabe naman ito self-generating.

- Patok din ang Kare-kare ala Tagaytay ni Lola Tiyang and also the crispy deep-fried hito ni Tito Jim at Tita Vangie. Yum yum, obvious ba sold-out talaga dahil authentic na original pa, sabi nga ni Tito Jim.  Pati ang nilagang grasses and plants e panalo din.

- Iyong dinuguan din pala from Lola Maam e sobrang yummy. Whether partneran ng puto or kanin. In fact, guess nyo nga kung sino pala ang kilabot ng dinuguan - 4 letters lang =).

- Ate's Molo Soup was a winner both taste-wise and even visually. Dib a karaniwan na sa molo soup ang nagkaka-lasog-lasog, pero iba ito – masarap na, maganda pa.

- Ilan bang bote ng sopisdrinks ang prine-pare ni Tito Egay at Tita Dang. Di ko na isisiwalat kung sino ang mga kilabot ng Coke dahil isa ako dun, pero grabe naman ang unending supply na ito.

- Natikman nyo ba ang sikat na suman? Grabe naman sa sarap iyong galapong na suman. Hirap i-describe ang laso, pero kumpleto, suman pa lang ulam na. Kaso di na ko nakakain nung isang flavor, masarap din ba?

- Pati yung mani ansarap di ba?  PLease lang huwag ng plastic e inupakan natin iyon habang nagpapalaro.

So ayan. Food pa lang nung New Year’s e isang blogpost na.

No comments: