Friday, January 22, 2010

Walang Trapik

Di naman umaangal, OK nga pag walang trapik.  Pero nakakataka talaga na kapag January-February wala masyado sasakyan sa kalsada.

Di naman natin cino-compare sa December, dahil pambihira talaga ang buwan na iyan.  Pero pag cinompare mo ang traffic sa buwan ng September-October kesa sa January sobrang laking pagkakaiba.  Nitong nakaraang 2 linggo - ang biyahe mula Binan hanggang Makati ay nag-average ng 45 minutes, may isang beses nga na 35 minutes.  Kumpara ito sa 1.5 - 2.5 hours nung Sept-Dec.  Wala namang nagawang bago sa Skyway, o kung saan man sa kalsada.

Maski nung nag-aaral pa rin ako napapansin ko na ito.  Talagang nawawala ang traffic sa bagong taon, ano kaya ang nangyayari?

- Tumaas ang presyo ng Gas?  Puwede dahil 39.85 na nga ang VPower, so unleaded na lang ako.
- Di na ba bumabalik sa Manila ang mga nagbakasyon nung December?
- Wala na ring pang-tuition ang mga estudyanteng umuwi?
- Wala ng pera ang karamihan ng mga tao pag January?

Ano nga kaya?

No comments: