Sunday, January 17, 2010

K, Treasure and Chucky's Hair

Bumisita sa amin kanina sina Ate Edith, Lolipot, Karen, Kath, at Kacey.  Naglaro kami ng Puzzles at Wii.  Napag-usapan din namin ang mga preparations for Camae's debut.  Tignan natin:

Treasures
- Sabi ko kay Ate Edith ipadala niya ang listahan ng mga preparations for Camae's Debut.  Sabi niya ubod daw ng mahal ng Video at Photography.  Pero puwede naman iyong ibang aspects, marami pang iba.
- Maski kasali na ang cake sa package, marami pa namang ibang puwede tulad ng souvenirs etc.  Kaya papadala na raw niya ang listahan, at post natin dito

K
- Naisip ni Ate Edith na gimikan ang 18 K.  Baka raw puwedeng gawing mas creative ito.
- Kasi nga ang difference ng K sa treasures ay, ang Treasures ay Gift ang K ay cash.  Iyon lang po
- Para nga kasing hindi masayang panuorin ang pagbibigay ng 18K na asa sobre di ba?
- Baka puwedeng gawin nating artistic - gawing pamaymay, gawing shawl, gawing sash, belt etc.
- Mas maganda ang kalalabasan lalo na sa picture at video, at di na rin masyado makaka-attract ng attention ang value ng bigay. 
- Well, unless 18K nga ang bibigay nyo di ba.  Maski sobre, nakabalot sa dyaryo, e OK lang yun hehe.

Chucky
- Naging topic din namin kanina si Chucky (Ralph). 
- Pinagusapan namin kung mas pogi ba siya pag long hair o clean cut.  Ano sa palagay nyo?

No comments: