Congratulations Gab for passing the entrance exams at
Philippine Science High School!
Excited na kinukuwento ni Tito Egay kanina. Kasi, nung Friday pa pala inannounce sa class nila Gab. Pero hindi naman nabanggit ni Gab sa kanila. Nung Sunday, pumunta si Tito Egay at Tita Dang sa school for the results of their review classes for UP Rural High School. Last time #6 si Gab. Pero this time number 3 na siya. (Mga 20 lang po kasi ang nakakapasok sa Rural out of thousands na nag-te-test).
So nung papauwi na sila, ang daming nag-co-congratulate kay Gab at kila Tita Dang. Akala nila Tito Egay, para ito sa number 3 position ni Gab. Until may parent na nagtanong sa kanila: so dun na papasok si Gab? Medyo nalito sila kaya natanong na rin nila kung ano ang ibig sabihin nun. Iyon na nga pala, pasado na si Gab.
Tinanong ko si Tito Egay kung ano ang magbabago - at paano ang mangyayari sa kanila, kasi nga ang layo ng QC sa Los Banos. Mag-do-dorm ba si Gab, lilipat ba sila o paano ba?. Tito Egay, please explain ha.
Basta ang sabi ni Tito Egay e ang laki ng matitipid niya, dahil libre nga sa Pisay. Sinabi rin ni Tito Egay na partida, ang dalas pa talagang mag-PSP niyang si Gab. Pero natural na magaling talaga siya, lalo na sa Math, Science at pati na sa Language. Ang medyo mahirap para sa kanya ay READING. Kasi nga di ba PSP, e di naman nagbabasa masyado.
So ayos talaga ito, 2 na sa PB ang taga-Pisay. Sabi ko nga kay TIto Egay, ang similarity ata ni Gab at Ia ay ganito: sabihin mo sa kanila na isang buong araw silang hindi lalabas sa kuwarto - hula ko kayang-kaya nila at matutuwa pa talaga hehe. Unlike yung ibang PB 3G na ayoko na sabihin ang pangalan.
Once again, congratulations Gab. Congratulations din kay Tita Dang and of course Tito Egay!
Eto ang ebidensya ng pag-pasa ni Gab:
16 comments:
Di naman kami sobrang na-surprise. COngratulations Gab.
Wow!!!! Congratulations Gab!!! Sabi na nga ba di ka lang pang best child actor eh. Baka pang best young scientist! Congrats Tito Egay and Dang din!
congrats gab!!!
Congratulations! Ang galing mo talaga Gab! Manang mana ka.
wow...ang tatalino talaga ng mga pinsan ko...
bka naman next ka na gab for monbushu(tama ba spelling ko) scholar like IA o bka naman ibang scholarship naman ang kukunin mo...hehehe...
congrats gab!
kelan ang party? meron ba ice cream party like nung kay IA...hahaha...
Aba, very good news yan! Ang galing naman ni Gab! Nakakabilib talaga si Gab!
Congratulations Gab, Tita Dang and Tito Egay!
Congratulations Kuya Gab:)
Nung orientation ng parents sa Pisay, sabi nung teacher,"yung mga anak nyo ho nung elementary para hong sa aquarium nila-sila ho ang pinakamaganda. Dito ho nasa dagat na sila kasama ho yung ibang pinakamagagandang isda sa iba't ibang aquarium."
Alam nyo ba na 240 students lang from among 16k(nung time ni Ia ha, more pa siguro ngayon) from nationwide applicants ang natatanggap sa Pisay Main? Cream of the crop talaga! Pisay is under DOST and hindi sila under ng DEP-ED. They are considered "gifted" students. May free tuition, books, and with allowance pa monthly. Sila nga raw ang mga tunay na "iskolar ng bayan". Kaya, to be accepted sa Pisay, magaling talaga si Gab.
Congrats, Gab!
Congrats din, Tito Egay and Tita Dang!
nice 1 Gab, PSP ka na ulit.
congrats GAB!!! ang galing naman talaga...congrats din Tito Egay and Tita Dang!
Wow naman Tito Ido, Na-blog mo nga pala re. Gab's passing sa PSHS. Salamat! Also thank you sa mga bumati in behalf of Gab-medyo busy sa PSP at Warcraft, di nagbo-blog on his own.
Kanino nagmana si Gab? Well, according to geneticists, 60% mother and 40% father ang contribution pagdating sa katalinuhan ng anak....well, 20% contribution on my part should be well enough! he he he.
You can only imagine if 60% pa! ha ha ha!
Bagyo ba? Ganun talaga...weather-weather lang ha ha ha.
Kung me magbabago sa min ba kamo Tito Ido?- Dahil sa malayo ang QC sa LB, eh tumitingin na nga ako ng property dyan sa me Loyola hts. Sa La Vista kaya, baka me for sale! aha ha ha.
In parting, I just hope that this will inspire other 3G PB's as well to strive and persevere in their own fields. MYMP!
Tito Egay, sorry wala na raw available sa Loyola Heights or sa La Vista. Hanap ka na lang sa Teacher's Village or condo unit sa Q. Ave.
Congrats Gab! Gifted ka pala talaga ng katalinuhan. Kahit na ma-PSP ka and warcraft eh talagang henyo ka pa din. Keep it up!
nung sunday sinabi na ni edet sa akin na pasado si gab sa pisay. d lang ako naka-blog agad. CONGRATULATIONS to egay and dang for a job well done. Siyempre si GAB ang dapat icongratulate. Baka naman sa harvard makakuha ng scholarship si gab after 4 years. aba di masama d ba? dun naman bibili ng bahay si egay. again CONGRATS!
congrats gab , eh tuloy na ang celebration for graduation ?
Congrats, Gab. Ang galing naman! I'm sure everyone in PB is very proud of you. :D
Maraming maitutulong sa future mo ang Pisay. I-enjoy mo lahat ng years ng stay mo dun.
Personally natutuwa ako na maeexperience mo yung Pisay life. Mag-eexcel ka dun. Pero kahit anong mangyari wag kang matututo mag cram. (Alam ko namang hindi nga.) Tsaka sana sumali ka sa mga Math contests, kasi kayang kaya mo yun, tapos madaling ma-excempt sa exams pag kasali ka. ;)
Yay. Good luck and congratulations ulit. :D
Post a Comment