Monday, January 11, 2010

Whatta Sunday 011010

Nung Thursday lang nag-text si Ate Edith about the Sunday Meeting.  So kakagulat nga na ang daming nakadating.  Last week lang kasi e nagkita-kita lang nung New Year's Party, so very good attendance for a short-notice meeting.  Excited ata ang lahat mag-usap tungkol sa Camae's Debut, 2G Outing, PB Summer Outing, sige na nga pati na ang 3G Outing.

- Many many thanks kay Par at Ate Bhogs.  Parang Pasko o Bagong Taon ang handa.  Ilang Crispy Pata kaya ang naihanda?  Parang hindi ata nauubusan e. 
- Thanks din kila Lola Tiyang, kila Tita Ate (sobrang hit ng Tofu) at kila Ayo and Siony for all the food.
- Salamat din pala sa nag-prepare ng Bottomless Iced Tea (sino po ba?), talagang hindi nauubusan.  And thanks to Kacey for being the official Iced Tea Girl

- Kakatuwa to see all 5 Sisters.  And all seem healthy.  Ang Ditse back to usual form - nag-se-serve pa ng food.  At si Lolipot, na last month na may sakit, mukhang OK na naman (at umupak na ng suwaheng hipon hehe), with her new hairdo.
- It was also nice to see Tito Boyet back in PB action.  Kasi nga last month nagkaroon ng konting scare tungkol sa kalagayan niya while in Bahamas.  Kakaiba naman pala ang nangyari - at kasalukuyang nangyayari.  Ang wish ng PB para kay Tito Boyet:  sana iba na lang ang tumubo sa iyo hehehe.  Pero we are all very happy na much better ka ngayon.

- Meron palang mga bagay na hindi puwedeng i-blog.  Isa na dito ang mga kuwento ni Tito Jorge tungkol sa mga pictures nila nina Tita Helen at Ia sa Japan.  Siya lang ata ang makakagawang gawing ganun ka exciting ang noodles, manholes, templo, tower, trains at mga kubeta at inidoro.  Panalo ang mga kuwento ni Tito Jorge. 
- Sa palagay ninyo, kelan mas nagpapakita ng pagiging ATAT si ____, tago na lang natin siya sa pangalang Tita Y.(ayaw nya kasing matawag na atat e)? Kapag may okasyon o kapag may meeting?


- Nakaramdam naman ako ng mga 2% na awa sa mga 3G sa kanilang nakakalungkot na attempt sa pag-organize ng kanilang outing.  Good Luck sa inyo =).
- Nakita nyo ba ang nilalaro nilang Monopoly?  Grabe wala ng pera, Credit Card na.  Sobra na ito.
- Amazing din ang story-telling nila Lola Maam, Tita Ate, Tita Bhogs at Tita Yet.  Mga 2 oras ata silang nag-around the world ha.  Kaka-amaze nga ang mga topics nila e.  At mukhang tatagal pa sila ng another 2 hours, kung di pa natapos ang poker.

- Parang lalong na-excite ang PB sa Debut ni Camae.  Ang ganda kasi ng venue, at OK ang theme.  Pero parang napansin ni Camae na marami ang kinabahan sa 18K.  Natakot nga siya kanina na baka wala ng pumunta sa party dahil sa 18K na ito.  Hindi naman daw po REQUIRED na 18K ang ibigay, puwede rin pong 19K o lalo na kung 20K hahaha.  Parang lalo pa silang kinabahan.

Till the next PB event.  See you all.

1 comment:

Anonymous said...

ok tong format na to. anlalaki ng pangalan. kaso wala ako e =(.