Saturday, January 2, 2010

PB New Year's Party Part 2

#2 - Miscellaneous

New Year's attire
- Alam kong marami ang nagkumahog nung a-30 at a-31 para magshopping ng kanilang attire with the New Year's motiff.  Kasama na rito si Tita Edith.  Actually, siya nga ang may pakana nun e, pero nalimutan niya hihihi.  Pero buti na lang at nag-effort mag-attire ang marami ayan nagpa-raffle tuloy si Tita Edith.

- Kelangan natin parangalan ang Purple Team.  Ang ganda ng kanilang attire.  Kitang-kita sila at talagang unique ang pagkakakilanlan(identity).  Mahusay!  Kaso wala naman premyo yun e.  hehehe.  OK din naman ang mga attire ng mga Green at Red at syempre yung mga nag-Polka Dots at bilog.  Sige na nga isama na rin natin ang nag-black and white.  By the way, ang suwerteng color daw for 2010 ay Blue and Brown. a-nye-nye =).

- Pero sorry na lang sa ibang Purple Team members, dahil si Tita Vangie talaga ang pinakamaganda sa personal at lalo na sa picture.  Sorry po Tiyang, Imelda naman kayo nung Dec 20 e. =).

Venue
- Lalong gumaganda ang bahay nila Tito Egay at Tita Dang.  Ewan, pero parang lalong nagmukhang malaki, lalo na yung lawn. 

- Ganda rin nung garden nila ano?  Sabi ko nga kay Tito Egay, wow Tito Egay nice naman nito, si Tita Dang ba ang gumawa nyan.  Well, hulaan nyo na lang ang sagot nya hehehe.

No comments: