Tuesday, January 12, 2010

2G Outing Good News

GOOD NEWS: Hotel Reservations are final. Booked na.



EVEN GOOD NEWS: Na-arrange ni Tita Petite ang 10% discount sa Published rates ng Hotel. So iyong original computation gawin nating less 10%. For example: Ang cottage Type room ng Lising Family na P2,950/night would be 5,900 for 2 nights. Magiging 5,310 na lang ito. Iyong kila Tita Edith na Family Room1 na originally 7,000 for 2 nights would be 6,300.


MAS GOOD NEWS PA: Na-arrange ni Tita Petite na free contintal breakfast for everyone. Yehey! Ang kaso contintal breakfast is Bread and Butter. So di pa rin totally makakaligtas si Tito Jorge and Tito Jim. Pero natawaran na rin ni Tita Petite ang Filipino breakfast - 100P na lang from the original 150 pesos.


VERY GOOD NEWS: All our flights have already been booked. So official na talaga ito. Tuloy na tuloy na ang outing na ito.


SUPER VERY GOOD NEWS: Tita Petite was able to arrange for flights that are 25% cheaper than original. Di ba dati 5,500 ang flight. Ngayon, ang flight natin for Cebu Pacific ay 4,100 pesos na lang. So each of us save ~1,400 pesos. To and From Palawan kasi, mas maganda ang schedule ng Cebu Pacific, kaya ito na ang pinili natin.


NOT SO GOOD NEWS:  Wala na pong atrasan ito. Dahil nakamura tayo ng 25% sa flights - eto po ay non-transferrable, at non-rescheduleable. So pag po umatras kayo, magbabayad na tayo ng 4,100. Ganyan po talaga ang buhay. So ang ibig sabihin talaga ay tuloy na tuloy na tayo. at wala na pong atrasan ito.

8 comments:

jim said...

ok na ok , d ba wala pang sagot si Par pwede ba kay Par sagot nya scuba rental

jorge said...

Tito Ido and Tita Petite, 3 stars sa kamay kayong dalawa for the hotel and plane bookings at syempre, ang discounts na nakuha, nice! Mabuhay!

ayo said...

ang galing ni tita Petite sa tawaran hehe! hands up...

Che said...

Parang tuloy na talaga. San ka pa makakahanap ng 4,100 return for Palawan!

charisse said...

May naiinggit sa 3G gusto kasi sumama...si Evot. Sabi ko hindi ko din siya papayagan...hahaha.

Darwin's Theory said...

stars and fish din sa kamay si Tita Edith. Siya ang nag-abono ng mga pamasahe natin.

So please ihanda na po ang mga pambayad sa airfare on or before January 31. Thanks po!

ido said...

tito jim, good point on snorkeling gears.

kaso ang alam ko e kapag may package island tour tayo - kasama na dun ang rental ng mga gears. hayaan mo tanong ko kung tama nga ba na ganun.

Che said...

Ahh..thank you thank you pala sa mga mahuhusay na naga-arrange at galanteng nagaabono! :)