Hula nyo, ilan ang average na anak ng karaniwang Pilipinong Bahay? Ang sagot 3.28. Maski na bumaba ito kumpara noong 1970's at 1980's (na lagpas 5.0), sobrang taas naman nito kumpara sa ibang bansa. Sa US halimbawa ito ay 1.9. Sa Europa nga ang average ay 1.1. Sa mga bansa nga sa Scandinavia ito ay 0.8.
Isa pang interesting, ang mga kababaihan na mahihirap (below poverty line) ay merong 5.9 na bilang na anak. Samantalang sa middle class ang bilang ay 2.0.
Isa pang interesting na statistic ay ang bilang ng mga nagtratrabaho sa isang bahay. Ang sagot ay 6.2. Ibig sabihin nito sa isang bahay, sa bawat 1 nagtratrabaho/kumikita ng pera, merong 6 na taong hindi nagtratrabaho. Hindi ko pa naco-compute ito sa PB, pero siguradong ang bahay nila Tito Jorge at Tita Helen ay hindi 1:6.2, dahil 100% silang nagtratrabaho =). Pero pag inisip nyo rin ang dami ng mga OFWs sa buong Pilipinas duon nyo maiintindihan ang number na ito. Example: Si Tatay ay nasa Saudi, si Nanay ay housewife, merong 3 anak na nag-a-aral at si Tita,Lola at Lolo na nakatira sa bahay. Ayun 6 na sila =).
No comments:
Post a Comment