Saturday, January 9, 2010

Evolution

- Napansin nyo bang wala ng Sitcom sa mga major networks?  Ang meron na lang ay mga gag shows at mga reality shows na comedy.  Ewan kung babalik pa ang mga tipo ng John N Marsha o mga Oki Doki Doc.

- Wala na ring schedule ang mga palabas nagayon.  "Pagkatapos ng", diyan ka lang magkaka-clue kung mga anong oras ipapalabas ang hinihintay mong prorgram.  Ang 24 Oras o ang Bandila, sobrang haba at parang wala talagang limit.  Hindi nga rin sila nagsisimula on-time.  Ah oo nga pala wala na nga palang schedule, so lagi silang on-time.  Pero iyon na nga di mo sigurado kung kelan magsisimula at lalo na kung kelan matatapos.

- 30% ng FM Radio ngayon, tagalog na ang salita.  Nung lumalaki kami, walang ganyan, basta FM, in English. 

- Ang kendi pala ngayon ay piso isa na?  Sa ibang tindahan puwede pa 3 ang dalawang piso.  Pero sa takatak boys at sa mga nagtitinda malapit sa mga opisina, asa pa.  Naabutan ko ang kendi na 5 centavos ang isa.  Kayo magkano inabutan nyo?

- Akala ko dati si Karen at Camae lang.  Pero ang dami palang teens at twen-teens na 2 or more ang cellphone.  Nung una di ko nga maintindihan, dahil puwede namang dual sim o magpalit-palit ng SIMs, pero "malalim" pala ang dahilan.  Gusto nyong malaman =).

- Mas malaki pa ang populasyon ng Facebook kesa sa Pilipinas.  Sa katunayan more than times 3, dahil ang Facebook ay meron ng more than 300M na populasyon.

No comments: