Sunday, July 10, 2011

9994

ay para sa Republic Act 9994 o mas kilala bilang Expanded Senior Citizen's Act.  Ang alam natin ibig sabihin nito ay magkakaroon ng 20% tax exemption ang mga Seniors sa mga pangunahing bilihin at bayad sa mga serbisyo.  Sa Pilipinas, ang ibig sabihin ng Senior Citizen ay yung mga may edad na 60 years old pataas.  Iba kasi sa ibang bansa e.

Sa madaling salita, yung mga naunang Batas para Senior Citizen ay walang probisyon para sa eVAT, kaya nga kinailangan ng bagong Republic Act.  So parang pantanggal nga ito ng eVAT.

Pero bukod pala sa 20% discount sa pamasahe, gamot, pagkain sa restaurant at kung anu-ano pa, meron pang mga additional benefits at incentives:

  • Libren baksinasyon (Free vaccination) laban sa influenza at pneumococcal disease para sa mga  indigent senior citizens;
  • Benefit assistance to the nearest kin of a deceased indigent senior citizen worth P2,000.
  • Five percent (5%) discount on water and electric bills registered in the name of the senior citizen, provided that consumption is below 100 kilowatt-hours of electricity and 30 cubic meters of water a month;
  • Additional government assistance, i.e., social pension/monthly stipend of P500, mandatory Philhealth coverage, and social safety assistance (food, medicines and financial assistance).
Ayos naman pala, ano?  Meron lang kasing clause para sa "indigent" senior citizens.  Dyan siguro tayo magkakalituhan.  Pero OK na rin at least may mga probisyon palang ganito.
Eto po pala ang kumpletong Republic Act 9994:
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2010/ra_9994_2010.html

No comments: