Grabe pala ang maraming Pinoy ano, pag dating sa topic ng Patay. Talagang ayaw pag-usapan. At para pang takot na takot - pagusapan lang ha.
Nung isang gabi, nagkukuwentuhan ang barkada sa kapehan. Alam nyo na - tungkol sa mga plano pag namatay. Kasama na dito ang libing, lamay, cremation, memorial plan, inheritance tax, pamahiin. Tapos meron kaming dumating ng mga 3 kakilala na napakinggan kami. Diring diri sila sa amin. At napaka-morbid daw ng topic. At eto pa, natatakot silang mag-uusap tungkol sa patay, dahli daw baka may mamatay!!! hahaha.
Napaisip nga ako e, at naalalang ang mga Pinoys in general ayaw ng ganitong topic. Kelan naman natin naging topic sa PB ang mga ito? unless siyempre kung may patay
Tingin ko naman. Naghahanda tayo para sa bakasyon, para sa pag-aaral, para sa kinabukasan, para sa birthday. Bakit sigurado ba kayong aabot kayo dun? hahaha. Ibig sabihin OK na OK maghanda para sa kinabukasan, pero maghanda rin para sa kamatayan. Lahat tayo namatayan na at alam natin na napakaraming dapat asikasuhin at sobrang trouble talaga ang hindi handa. At kung marami kang pamana =), lalo ka ng dapat maghanda. Grabe ang inheritance tax, depende sa asset, puwede itong umabot ng 50%. Example, meron kang 500,000 sa pangalan mo na di mo nailipat. Ma-fre-freeze yan ng bangko until makabayad ka ng Government Tax. At posibleng umabot ng 200,000 ang idodonate mo sa gobyerno dahil dyan - di pa kasama ang mga attorney fees at transaction fees. Kaya mag-esep-esep na rin.
2 comments:
Haha. Kasi nga ang mga tao nabubuhay na may denial na lahat naman pwedeng mamatay, anytime. (ang theory ko that thinking is influenced ng mga kapitalista at ng mga ospital..hehe)
Kuya, pag may nagsabi na morbid ang death, pabasa mo si heidegger: http://www.guardian.co.uk/commentisfree/belief/2009/jul/13/heidegger-being-time?intcmp=239
nice article.
"Concealed in the idea of death as the possibility of impossibility is the acceptance on one's mortal limitation as the basis for an affirmation of one's life."
the spiritual blocks acceptance?
Post a Comment