Tuesday, October 4, 2011

Breakfast

So, I had been staying at Marriott Hotel for 2 weeks na.  Breakfast is very good.  Di katulad ng Shangri-la, pero wala naman kasing katulad ang Shangri-la =).   For example, ang breakfast sa Marriott ay 800 pesos per person.  Sa Shangri-la ay 1,200++, so halos 50% more expensive.

Pero grabe, nakakasawa naman pala pag buffet breakfast araw-araw.  Nung una, syempre exciting.  Dahil sobrang dami talaga ng pagkain nakakalula.  Pero katulad ng lahat ng bagay pag araw-araw, nakakaumay na.

Masama kaya ang bacon?  kasi araw-araw eto ang kinakain ko.  Waffles and bacon.  French toast and bacon.  Pancake and bacon.  at nung isang araw, Bacon and Bacon.  Gusto ko kasi iyong sunog na bacon, malutong - feeling mo di marami ang taba =).

Marriott Cebu Buffet Selection:

Omelette Station
Cebu/Pinoy selection (suman, puto, pinoy ensymada)
Classic Breakfast (danggit, tocino, longganisa, flayd lays)
Chinese Food Section (spare ribs, tausi fish etc.  di ko masyado alam dahil di ko type ito)
Noodle Station (para sa mga Koreano siguro na nag-a-almusal ng mami)
Bread selection (mga 12 breads to choose from)
Cold Cut Section (ham, bologna, salami)
Cheese Section (konti lang mga 5 cheese variety to choose from)
Fruit Station
Drinks Station (Orange Juice, Mango Juice, Tomato Juice, Milk, Chocolate etc.)
and my favorite the Waffle/Pancake station, dito rin ang bacon, chicken sausage

Ang problema and as you may know.  Hindi ako mahilig mag-breakfast.  Dahil mas gusto ko pang matulog kesa mag-breakfast.  Sobrang sayang talaga sa akin itong bayad na ito. 

Kanina ang kinain ko:  isang pancake, isang bacon, isang egg fritata, isang pirasong pinya, isang pirasong papaya.  That is it - 800 pesos.  Kasama kasi sa room charges e.

Game punta nga kayo dito, at kayo ang kumain ng breakfast ko.  SObrang sayang e =).

1 comment:

Evot said...

kakagutom naman yung mga food sa marriott cebu buffet...sayang nga yung bayad sa breakfast...