Wednesday, October 12, 2011

Tita Edith's Golden Fiesta Bday - Favorite Part of the Program

Ayon sa PB Poll, namumuro ang Parada as the favorite part of Tita Edith's Golden Fiesta Party.  Which is understandable naman.  Not saying that the other parts of the program were less entertaining ha, it's just that in memory, the grandeur and the regal atmosphere that was the parade probably lingered the most.  Let's review the parts of the program...

ENTRANCE

"a la Debutante" Golden Girl descending a winding staircase, habang ang combo band ay tumutugtog ng pampyestang tugtog, at sasalubungin siya ng palusis at kuwitis. Entrance pa lang panalo na! This has to be the best entrance in PB History.







PARADA
I know many felt that the parada was a little short.  Dahil parang ang ikli raw ng nilalakaran.  Iniisip pala ng marami na talagang rarampa sila ng mahaba-haba.   Hmmm...puwede.  Pero alam nyo naman ako, naniniwala na ang buhay ay pasarapan at hindi pahabaan.  So kung maikli pero maganda naman yun ang OK na OK  hehe. 

Very impressive ang mga costumes at mga props.  Ako'y na-shock.  Di naman natin kasi pinagusapan ng mabuti yon e.  So kanya-kanyang gawa at kanya-kanyang gimik.   Tapos si Lolipot, grabe pa mag-pressure ng mga costumes hehe. 

I love the colors, I love the costumes, I love everything about the parade.  Flawless.  Parang prinactice.






...also loved the props, the marches at yung mga gimik at choreography ng bawat grupo. 
talagang amazing kung paano nila naikarga ang lahat ng mga props nila sa sasakyan.  Merong mga tarpaulin, mga posteng kehahaba, may espada, maskarang buhay (paper mache), headresses na pang Ms Universe, may mga arko, may prutas, may lechon, may mga gulay.  Parang Fiesta!  Ay fiesta naman nga pala talaga





Winner naman sa mga arko.  Look below.  Paano kaya naisakay ito sa sasakyan, o di kya e inassemble ng sobrang mabilisan.  grabe talaga sa effort.











Medyo maikli nga pala ang parada, when you think about it.  Pero meron namang pictures at videos na pamparami ng exposure.  At saka for sure di naman natin malilimutan ang once in a lifetime parada na yan.  Di ko masabi kung sino ang group na may best in costume - dahil puros OK talaga ang marami.  Pero parang alam ko kung sino ang pinaka- di OK ang costumes, hahaha.  secret na lang hehe.

DINNER
Ang problema, di po ako kumakain habang nag-ho-host.  Well, trabaho kasi iyon e.  Kumakain ka ba habang nagtratrabaho???  =).  So wala akong idea sa food.  Iyon lang nga medyo naawa ako sa itsura ng baka habang iniihaw, parang di talaga siya masaya, unlike yung lechon baboy. 



At narinig ko na di pala nasarapan ang PB masyado sa lechon baka.  Wow!  Talaga???  Sabagay, inexplain na rin naman ni Tito Egay kung bakit di nyo type ang Lechon Baka.  hahahaha

J BROTHERS
Honestly, medyo binabaan ko talaga ang expectation dito hahaha.  Sabi kasi ni Tito Jim, tatagalugin daw nila ang Bon Jovi.  Haaay salamat at buti na lang hindi.  Again, natawa ako sa bawat-banat nila.  Maski bago, luma, recycled ang jokes, patok ito para sa akin!  Nakita ko nga yung mga naka-babatang audience e litong-lito sa mga pangyayari.  Pero iyong mga may edad, e tawang-tawa naman tulad ko.  So I think etong part na eto e naging divisive not because of PB or non-PB, but rather sa mga bata at sa mga may edad na. 



Pero iyong video was a different story.  Ayos yung build-up ng suspense.  Dahil dito maski na iyong mga nakababatang audience ay naging interesado. OK din ang mga special effects like yung pag fast forward sa video.  At panalo ang kuwento - something na makaka-relate from 1G hanggang doon sa maliit na 4G.  Simpleng storyline with a grand ambition, so marami talaga makaka-relate. 




PB BABES
Let me start by expressing sincerest gratitude to the managers and especially the candidates of PB Babes.  Talagang pakahirap ito ng husto for everyone involved.  So alam nyo yon, talagang ginawa nilang lahat yon for the love of PB and for the love of Tita Edith. 

Nung introduction, I think na-shock natin ang audience e.  Akala ata nila mga babae ang sasali sa pageant.  hahaha.  Kasi nung tinignan ko reaksyon nila di sila makapaniwala.  So habang ang mga taga-PB ay tuwang-tuwa at hinihimatay na sa katatawa, medyo NR pa ang ibang guests.  Kung baga sa sinaing, e nagpapa-in-in pa.  I think nung Talent portion lang nila natanggap kung ano ba ang nangyayari.




Pero para sa akin, introductions pa lang bentang-benta na. Lalo na iyong mga kasabihan. Ewan ba kung saan nila napagkukuha iyon! Syempre bilib din nung talent portion. Kasi, e iyong iba nga sa kanila halimbawa si JayE, sumasayaw ba iyon sa mga PB parties?!?! pero ngayon aba nag-solo pa, with matching tube na kitang-kita ang tiyan. mwahahaha. Tuwa rin ako na talagang effort ang candidates sa talent portion. Sabi nga ni Tita Yet, hihimatayin daw siya sa dance ni Chucky.

Favorite ko ang Q and A portion. Dahil natuwa ako na sineryoso ng mga judges ito. hehehe. Tama ata ang mga napili nating judges, dahil nararamdaman ko na enjoy rin sila at excited. At sobrang impressed ako sa mga sagot ng PB Babes, maski random yung mga questions. Di po talaga nila alam kung alin questions nila, totoo po.  Linawin po natin yan para sa mga nagtatanong. Talagang magaling silang sumagot. Bakit ba ayaw ninyong maniwala hahaha.

Para sa akin, the most beautiful PB ay si Ms. Brazil. Pero grabe ang taba-taba naman siya sa picture hahaah.  Sa personal naman po ay hindi ganyan.  At maganda talaga ang fez niya.



Ang favorite talent ko naman ay si Ms. Puerto Rico. At ang favorite kong answer ay kay Ms. Angola.  Si Ms. Venezuelat kasi mukhang lalaki talaga hahaha. I think si Ms. Philippines ay underage pa para sa ganitong laban, pero abangan ninyo siya kung meron pang PB Babes 2014, kabog ang kalaban.



Si Ms. China naman kasi malakas ang impact, para talagang experienced na lumalaban sa mga pageant sa mga barangay pag fiesta, so di rin ako nagulat na siya ang nanalo.


Maraming salamat kay JayE at Shiela na kumuha ng pictures.  Di ko nga napansin na nakakuha pala sila ng pictures.  Paano, kasali na sila sa parada, tapos PB Babes.  Actually dapat kasali rin sila sa PB Presentations pero....teka, alam nyo na ba?

Anyway, thanks sa inyong dalawa ha, at least may paunang pictures tayo.  Thanks din kay Tito Jim for uploading sa FB.

Abangan ang part 2 pag may pics na - sabi ni Tita Edith nakuha na raw niya ang master copy, so malaman i-upload na rin iyon ni Camae maya-maya lang, di ba Mae?

4 comments:

tito jorge said...

bilib talaga ako sa tsunami walk ni ms. china, bagyo talaga! syempre, galing din ng talent ni ms. puerto rico at ebak answer ni kevin, ewww. lahat ng PB Babes very good sila!

che said...

Haha!!! Si Miss Brazil parang si Ate Shawie :) :)

Ang bobongga ng costumes sa parada, at may mga lechon de leche pa!

mm said...

omg kuya kevs... >.< hahaha hanepp ... xD

yet said...

Sobrang saludo ako sa inyong lahat mga PB babes at mga managers! Kita naman na tuwang-tuwa ang mga tao sa inyo. Ang pinaka-da best eh you did all of that for the love of Tita Edet, di ba? Ako sumakit ang panga ko katatawa kay Chuckie boy! Girlalou yata talaga 'yon eh! sanay na sanay! dinaig si Camae sa kembot!!!