Bukas, lilipad na naman ako from Cebu to Manila. Eto ang aking 697 plane take-off. Uy 3 na lang pala at 700 na! I guess matanda na talaga ako, dahil di na ko masyado excited sumakay ng plane. Unlike syempre nung unang sakay ko ng plane nung 1993. Yung gusto mong gawing lahat sa plane - kainin lahat ng binibigay na food, panuorin lahat ng sine na pinapalabas, basahin lahat ng magazine at dyaryo na inaabot, isuot ang tsinelas, makinig ng music....haaaay exciting times.
Well, lately kasi sobrang dalas e. Parang 9 na beses atang nagpabalik-balik in the past 4 weeks. Ang main problem lang kasi e ang number ng oras sa biyahe, iyong lahat-lahat ha hindi lang yung flight time.
Ex. Flight from Manila to Cebu is at 9am. So ganito
gigising ng 6am, ligo bihis, kape
aalis ng bahay ng 7am
darating ng airport between 7:45-8:15. hubad ng sapatos, sinturon etc
boarding ng 8:30a
Pag suwerte aalis ang eroplano ng mga 9:15am
Darating ng Cebu ng 10:30 am
hihintayin ang bag na lumabas sa carousel, pag suwerte mga 11:15 am
galing sa airport sa mactan papuntang office namin sa cebu city mga 12:00noon to 12:30 na rin
tapos trabaho na, mega-meetings
so there you go, door-to-door 6 hours e. ang 1 hour and 15 mins na flight, sa totoong buhay ay 6 hours. Minsan nga 3 beses akong bumalik ng Cebu at Manila at sa isang linggo, aba 18 hours na ring total na biyahe.
I guess di naman dapat umaangal, buti nga nakakafly pa. I know I know I know. At di naman ako totally umaangal, nagpapaliwanag lang. hehehe.
Puwede ko sana kayo dalhan ng Cebu Lechon, pero paano nyo kukunin sa akin bukas? hmmm. Syempre kelangan yung malutong pa ang balat. At saka malaking kasalanan daw na paksiwin ang lechong cebu e. Pano?
9 comments:
ako naman eh nagddrive total of 150miles or 240kms per day papasok/pauwi to/from office... good thing eh walang traffic so 50min - 1hr ko lang dinadrive yung papasok na 75miles at another 1hr pauwi... so 2hrs a day ako nagddrive for work...
yung lechon cebu naman eh kahit iistore sa ref eh initin lang sa microwave eh malutong pa din yung balat at no need na ng sarsa... at pwede mo ipalagay sa small box kung iuuwi sa manila kasi ganun ginawa ko dati...naguwi ako ng 5kilos ng lechon cebu...
ako ido daanan namin sa sunday yon litson , punta kami los banos sa lingo , mag tingin ng resorts for 26 .
Jim ngayung fri dadating si Ido, kung sa linggo mo pa kukunin eh pam-paksiw na yun
sbi pa naman ni ido wag daw paksiwin hehe
Itago na lang sa ref ung lechon at kahit 4days na nasa ref un eh microwave lang katapat nun at malutong at masarap pa din...Gawain ko un nung nasa cebu ako...hehe
ah talaga vot, puwede pala yon? Great. Sige I guess we will give it a try. Tito Jim malalaman natin kung tama ba ang theory ni Evot about lutong.
wow thanks ido ! sige daanan namin pag uwi galing ng los banos sa sunday , eh ilan kilo ba yan ? kasi kasama namin sino tyong .
Sa akin, kahit paksiw. Ang sarap kaya, nakatikim na ako ng lechong paksiw galing sa 'yo (from Cebu). ang sarap!!!
sayang naman yung lechon cebu kapag pinaksiw...hehehe... ako eh kahit anong lechon eh ok na sakin...
CnT lechon lage yung binibili ko na lechon cebu...pero meron din isang lechon cebu na masarap pero nakalimutan ko yung name...hehehe
Sa harap ng SM cebu at malapit sa waterfront cebu hotel eh meron CnT lechon... gusto ko din ng lechon cebu...hehehe
haha. Evot, tumira ka rin kasi sa Cebu kaya ganyan ang pagtatanggol mo sa lechon cebu hehe.
Kasi feeling ko hihimatayin ang mga taga-Cebu pag sinabi mong gagawing paksiw at lalagyan ng sauce ang lechon nila.
Post a Comment