Tuesday, October 4, 2011

PAL Strike

Makabuluhan yong editorial ni Conrado de Quiros sa Inquirer tungkol sa PAL Strike.  Eto yung article nya.
http://opinion.inquirer.net/13347/right-cause-wrong-tack

Parang ganito ang summary.  Kung halimbawa, ikaw ay nagtratrabaho sa PAL ng 20 years at ang suweldo mo ay 20,000 pesos a month.  Matatanggal ka sa trabaho, tapos i-hi-hire ka ulit, kaso ang magiging suweldo mo ay 11,000 na.  Ang trabaho ay exacto lang bago ka natanggal.  Di ba naman nakakagalit talaga?

Ang problema sa nangyari sa PAL strike e yung timing ng strike nila.  Nataon o Tinaon nila sa bagyo.  Kaya maraming tao ang naapektuhan.  Kapag kasi meron kang ipinaglalaban na tama, at dinaan mo sa tamang paraan makukuha mo ang simpatiya ng publikong Pinoy.  Kaso dahil sa ginawa ng PALEA sa pag-strike last week, maski mismo ang mga Pinoy ay nawalang simpatiya sa kanila.

Ako mismo sobrang apektado sa PAL strike last week.  Di ko alam kung matutuloy ba ang mga flights nila, o kelangan ko ng lumipat ng ibang airlines.  2 araw din akong na-delay, at up to the last minute di ko alam kung makakauwi ako.

Namamangha lang ako sa sinasabi nila na "Outsourcing is Illegal".   Hmmm, di ba nila alam kung gaano karaming Outsourcing companies sa Pilipinas at kung paano binubuhay ng Outsourcing ang ekonomiya ng bansa sa kasalukyan.  Nakakamangha din kung gaano nila kabilis iwan ang tungkulin nila, maski na libu-libong tao ang apektado. 

Parang tama naman ang pinaglalaban nila - kaso sobrang mali ng paraan, at lalong sobrang mali ng timing.

No comments: