Sunday, February 8, 2009

SIMPLENG LITRATO, KAKAIBANG KWENTO

1. Devil's Horn

Sobrang dami talaga ang naglalagay ng sungay sa mga pictures di ba?





Pero alam nyo ba na ang paglalagay ng sungay sa picture ay nagmula sa sinaunang pagan religion? Sa katunayan, iyan ay sumisimbolo sa 'sign of the devil' or the 'horned god'. Kasi nga ang simbulo ng devil dati ay kambing na merong sungay. Tuwing ginagawa nyo yan sa picture, ay nagbibigay pugay kayo sa horned god =).




***************************
2. KUWEBA

- Parang ordinaryo lang naman ang picture ni Tiyong.



Pero tignan natin ang dedication...








Tulad ng sabi ni Tiyong, ito ay sa Al Hofuf, Saudi Arabia. Ang problema, dahil sa kalumaan ng siyudad at ng kuweba, wala talagang may alam ng tunay na kuwento ng lugar. Pero ang paniniwala - dito raw nagtago si Judas Iscariote ng ilang buwan, matapos ipagkanulo si Kristo. Dito siya nagsulat bago lumipas ang araw kung saan siya ay sinasabing nagbigti.


********************************************

3. Napansin nyo ba ang di-pangkarinawang sa picture?



...Na ang kotse ni Tito Jorge ay LEFT-HAND-DRIVE (LHD). Hindi pangkaraniwan sa Pilipinas. Ang mga sasakyang LHD ay common sa United Kingdom, Malaysia, HK at Australia.


Ang kuwento, sa buong mundo dati, puro LEFT-HAND-DRIVE. Iyon ay hanggang dumating sa NAPOLEON BONAPARTE. Ang kuwento, gusto nyang malaman kung sino ang kalaban (taga-UK) at kung sino ang mga tauhan nya. Para mas madalian ang mga tauhan niya, panahon ng giyera kasi. So, lahat ng nasakop niya, ginawa niyang RIGHT-HAND-DRIVE.



Puwede rin ang tsinelas? hehe. Baka rin kakaiba yun. Sa Pilipinas daw kasi, 5% ng mga nagmamaneho ang naka-tapak. Sa Pamilya Banal, alam nyo ba kung sino ang nagmamaneho ng naka-tapak?

15 comments:

Anonymous said...

Ahh c Che isa yan sa nakatapak kung magdrive kinalyo nga talampakan nyan dati! D ba Che?

Anonymous said...

Mabuti nang nakatapak kesa mabangga! Ewan ko ba san ko natutunan magdrive ng naka-paa. Di ko rin kaya magtsinelas o magmedyas. Di ko kasi maramdaman ang clutch at break pag may sapin sa paa!

Lagpas 1 year na pala ako di nag d drive...kaya ko pa kaya mag-drive?

Anonymous said...

Napakaganda pala ng hand-writing ni Tiyong!

Tiyong, hapi bertdey po! Nakita mo po ba ang pilak ni Hudas?

Anonymous said...

ang galing pala ni lolo tyong, marunong cya magstenography sa sulat nya...hahaha...hapi bday!!!

Anonymous said...

Ido, question lang ha, bakit ba tinatawag na LHD ang isang kotse? Dahil ba sa kaliwang kamay ang ginagamit sa pagpihit ng manibela?
So, di ba ang tawag sa car ni Jorge ay RHD dahil kanan ang ginagamit nya sa steering wheel at kaliwang kamay ang cambio?
Nagtatanong lang poh,,,

Anonymous said...

tama ka jan, tito boyet. litung-lito nga ako jan. Pero pag tinignan mo si Tito Jorge, ma-ge-gets mo. Iyong kaliwang kamay niya asa manibela. Iyong kanan kumakaway. Kaya Left Hand Drive. Hehe.

(kasi raw kamay ang ginagamit pag-signal dati, wala pang signal lights =)

Anonymous said...

Haha. Imported nga yan. Right hand. Naka paa pa. Si Tyong parang naka paa din. hehe. Si Hudas noon naka paa din ata.

Anonymous said...

from right: Egay karga ni Lolipot, Tiyang, Ditse, Nanay
2nd row from right: Jorge, Yet, Inang karga niya si cheche, Sis Vicky, Ate (sa likod ni Sis vicky), ate Edith (kamukha ni Karen), Tetes asa harap niya si Boyet. Sila Par at kuya jim yung nakatalungko.

Tama ba? Bakit wala kami nila Eyan, Kuya at One?

Anonymous said...

ay correction: di pala si cheche yung karga ni Inang kundi si Eyan.

Anonymous said...

ay naku ayo 1969 yang pic d p kami nagkakakilala ng daddy mo nyan kaya wag mo hanapin ang sarili mo pati kuya mo!

hindi yata c eyan karga ni inang c tetes yata yun

Anonymous said...

Kung karga ni Inang si tetes, sino yung nasa likuran ko? Taga San Miguel kaya yun,,,kc kumpleto na ang babae mula kay ate hangang kay tetes,,, baby pa yata si eyan nyan eh,,,

Anonymous said...

di ko nga rin makilala e. sana mag-blog si Ditse, magaling siya sa mga ganyan e.

Anonymous said...

si tita tetes nga ata yun antie.

EGAY said...

Re.Right hand drive.
This is essentially driving on the left side of the road. The driver is on the right side of the vehicle.

Ito ang original na paraan ng paggamit sa kalye noong unang panahon. Noong kabayo pa ang gamit for transportation, dahil marami ang rigth handed, comfortable silang kaliwa ang me hawak sa tali ng kabayo para libre ang kanang kamay para kumaway, sumaludo sa kasalubong o pang hawak ng espada- kung me kalaban.

Kaya ng magkaroon ng carriages, sinunod na lang ang nakagawian na sa left side ng road and patakbo ng sasakyan.

Sa Pinas, 1946 tayo officially lumipat ng left hand drive.

Mahirap sa mainland Asia, meron pa kasi bansa na right hand drive at left hand drive na tipong hway lang ang border. Ex. Thailand and Cambodia.

Anonymous said...

Question lang , gay?

Meron bang middle hand drive(mhd)? yung nasa gitna naman ang nagmamaneho?