Sunday, February 15, 2009

CAMAE's 17th BDAY - LIVE BLOG

11:45 - INFERNESS marami ng tao at hindi late ang majority ng mga guests. Dito nga sila Tito Jim (dumating ng 11:30) - wow! JE, Evot, Ashlie, Tito Egay, Tita Dang, Pia, Ayka, Ate, at si Ditse.

Buti rin at walang ka-traffic traffic. Malamang napuyat ang mga tao sa kaka-date kagabi.

maganda si Camae today, at natuto na sa leksyong ng kahapon. pero syempre ang ate nya ay pa-eksena pa rin, at nagpa-bongga pa rin ng suot.



kawawa naman si JE, hindi makakain sa lamesa, kakulay kasi niya ang mantel. Pink!

Pero si DITSE, fashionista.


11:52 - nuod muna NBA slamdunk. Ang liit naman nung nanalo

12:11 - dumating na rin ang THE LATE Tito Jorge. kasama si Tiyong, Tiyang, Ate Yet at Julienne. Si Tiyong at Ate Yet naka Red. Yes. terno sila, bati na ba sila? Si Tiyang naka-pink. Si Julienne naka color-of-the year - PURPLE, pero ano bang belt yan - YEEEEELLLLLOOW?!? gosh!

bakit naman naka-laso pa si Ate Yet!








12:13 - ang ganda naman ng damit ni Ate Edith. Natuto na talaga siya na huwag maging pangit sa picture dahil ma-blo-blog siya.

Andito rin pala si Kevin. Na hapit-hapit na ang damit. Magpapayat naman kasi.

Si lolipot naka-pink, na sosyal naman talaga.

Si Lola Maam naka-violet. Isusuot daw niya dahil gift ni Ate Edith nung Pasko. Baka raw may kasunod hahaha.

Simula na ng kainan. parang masarap.



1:12 - BUSOG! sobrang sarap ng pagkain. halos ako ata nakaubos ng isang bilao ng tuna at pink salmon SASHIMI. Marami ang lumantak ng beef with brocolli. At OK ang chicken lolipop na ito, malinamnam ha. In summary, bagay ang mga food: may chicken, beef, fish, veggies at ang fantastic shabu2 soup.


di bale ng di nakatingin si dianne at si lola maam mukhang unggoy, basta ako AMPOGI.



1:19 - parang may theme ang kasuotan ngayon: RED, PURPLE at PINK. sayang di kami in.

Si Tita Dang naka PURPLE din - pero safe ang kanyang attire. ayaw pa-okray.

2:41 - ayan, naglalaglagan na naman kami sa pagtingin ng mga lumang picture sa blog.


napansin ko ang damit ni ate - pretty pala: sky blue with brown highlights. sabagay lagi namang best dressed si Tita Ate.


3:12 - sobrang EXCITING talaga ang bday ni CAMAE. Hindi mapag-sidlan ang kaligayahan ni Tiyang.






5:41 - dito pa rin kami at naghahanap ng resort para sa summer outing. sabi nga ni Tito Egay: LIBRE ANG MANGARAP SA PANSOL DIN ANG BAGSAK
Natulala na lang si Ate Edith ng mukhang PANSOL ang mananalo. Pero kung matutulala ka na rin lang e gandahan mo na ang damit mo.

5:47 - ang napagkasunduan ay March 28-29 (Sat and Sun). venue to be determined by the committee.

5:55 - may bago na tayong DITSE...Si Tiyong na ang nagyayayang umuwi


6:09 - pangatlong yayaan na umuwi. pero dito pa rin kami


6:23 - sumuko na ata silang magyayaan. Andito pa rin kami

6:26 - naku mukhang tuloy na ang uwian. Kasi nagsabi na si Tito Jorge ng...INGAT!

6 comments:

Anonymous said...

Kuya, pictures?!!

Darwin's Theory said...

puwede huwag atat!

Anonymous said...

Yehey may pics na, tnx kuya! Hapi bday camae! Parang ang sarap ng food...natakam ako sa salmon sashimi...

Si Ayo parang antaba ah!

Anonymous said...

sayang na-miss ni che ang mga food. ang sarap kaya ng kani sashimi,california maki, fresh salad, fried lapu-lapu (d best)...ang galing talaga ni lollipot magmenu...SALUDO!

at ang quote ni camae para sa PB "Di ko kayo bibigyan ng problema"...promise...Happy birthday Camae!

Anonymous said...

Sarap naman ng food mukhang na-missed ko yun...Mukhang masaya naman ang party kaso lang sa sbrang saya yta nakatulog si Lola.hehehe...

Anonymous said...

Hi, Camae. Belated happy birthday, sobrang busy ngayon lang nakapag post. Look forward sa 18th birthday mo ha! Hi Lolipot, namiss ko ang menu nyo, lalo na po ang salmon sashimi. Nakakaawa kasi si Ia pag iniwan ko pa, walang makakain habang nag-aaral. Anyway, thank you po sa pinadala nyo. See you po next time.:)