Nasubukan nyo na bang magpunta ng mall ng Lunes alas-2 ng hapon? O kaya ng Shell ng alas-10 ng umaga? Di ba kayo nagugulat sa dami ng tao na nadun? Sa krisis sa panahon ngayon, e nakakapagtaka talaga na marami ang tambay.
Ang ginawa ko mahigit 3 taon na ay nakikipag-usap sa mga tao. Gusto ko kasing malaman kung anong ginagawa nila at bakit hindi sila nagtratrabaho o nag-aaral. Eto ang mga dahilan:
- Pinakamarami ang walang trabaho at umaasa sa kamag-anak na nasa ibang bansa.
- Marami rin ang mga estudyante na "wala raw pasok". Hehe, iyong iba naman puwedeng totoo. Baka parang sa UP na walang pasok sa Wed o kila Kevin na walang pasok sa Monday. Pero iyong iba kaduda-duda talaga.
- Marami rin iyong nag-half-day dahil bday ng anak, o anniversary nila ng asawa.
- Iyong mga iba naman ay naka-bakasyon daw
- Meron ding nagsabi na gusto lang magpalamig =).
No comments:
Post a Comment