Sunday, February 22, 2009

Be Happy

Sa panahon ng krisis, talamak ang depression, mga sakit at suicide. Sa America, dumarami na nga ang nababalitaang naging homeless dahil sa mga bahay na na-remata. Ang Japan ay isa sa pinakamayamang bansa sa mundo, laganap ang suicide. Sa katunayan merong isang Hapon na nagpapakamatay kada-30 minutos. Grabe ano! Pressure ng pamilya, pressure ng community at pressure na i-preserve ang sariling hiya.


Paano nga ba maging 'HAPPY'? Eto ang isang pag-aaral:


How To Be Happy: Step By Step Guide To Being Happy

  1. Does your Lifestyle Make You Happy?
  2. Do Your Thoughts Make You Happy?
  3. Set the Right Goals for Happiness
  4. Work Towards Your Goal

Isa-isahin natin:

1) LIFESTYLE/PAMUMUHAY


Meron daw 16 na factors sa ating pamumuhay na nagpapahiwatig kung tayo ay HAPPY o magiging HAPPY. Tignan ang listahan sa ibaba at i-check kung ako kayo sa bawat factor. Mas maraming OK mas laki ang pag-asang HAPPY kayo. Kapag 5 factor lang kayo OK, sumulat na kayo sa akin dahil kelangan ko na kayong ipa-duktor.

  • Kalusugan
  • Self-Esteem
  • Values at Spiritual Life
  • Pera
  • Trabaho
  • Laro/Pahinga/Sports/Relax
  • Pagkatuto/Learning
  • Pagkamasining/Creativity
  • Pagtulong/Helping Pag-Ibig
  • Kaibigan
  • Mga Anak
  • Mga Kamag-Anak
  • Tahanan
  • Kapit-bahayan/Neighborhood
  • Pamayanan

Puwede rin nyong i-take ang online test: http://stress.about.com/library/happiness/bl_happiness_quiz.htm


2) PAG-IISIP. Ang tanong, Do Your Thoughts Make You Happy?

Di naman sekreto na ang mga OPTIMISTS (positive thinkers) ay sinasabing "happier people". Sinasabing ang mga optimists ay more successful, mas malusog, at mas masaya sa buhay sa kadalasan.

Paano malalaman kung ikaw ay OPTIMIST o PESSIMIST.

OPTIMIST

- naniniwala na natural ang mga magagandang pangyayari sa buhay, kaya maganda rin ang mangyayari bukas.

- naniniwala na ang mga negative events ay di nila kagagawan

- at ang mga negatibong pangyayari ay malamang na walang kinalaman sa mangyayari bukas

For example, if an optimist gets a promotion, she will likely believe it’s because she’s good at her job and will receive more benefits and promotion in the future. If she’s passed over for the promotion, it’s likely because she was having an off-month because of extenuating circumstances, but will do better in the future.

PESSIMIST

- nagiisip ng kabaligtaran ng OPTIMISTS

- iniisip na sila ang may kagagawan ng mga negatibong pangyayari

- naniniwala na ang isang pagkakamali ngayon ang dahilan kung bakit puwede pang magkamali ulit bukas at balang araw.

- iniisip din nilang ang mga pangyayaring positibo ay pagkakataon lamang at malamang na di na mangyari ulit

A pessimist would see a promotion as a lucky event that probably won’t happen again, and may even worry that she’ll now be under more scrutiny. Being passed over for promotion would probably be explained as not being skilled enough. She'd therefore expect to be passed over again.

In addition to optimism, happy people tend to have an internal locus of control; simply put, they tend to believe that they are the masters of their fate, rather than the victims of circumstance. When you view the stressors of your life as a challenge rather than a threat, you tend to come up with more effective solutions and feel more exhilarated (rather than drained) as you tackle these circumstances.

http://stress.about.com/library/optimismquiz/bl_15optimism_quiz.htm

To be continued...

11 comments:

Anonymous said...

About the crisis:
Sabi nga ng isang writer, ang best pangcounter sa crisis ngayon lalo na sa negosyo e, "to continuosly make your customers happy " and "continuously strive to provide quality products or services." Ang business ni Gokongwei nagflourish right after ng war, kung saan bagsak talaga ang ekonomiya, pero ang positibo dun e level ang playing field, hindi siya takot kasi kahit malaking kompanya parang pareho na rin ng kumpanya nya. at prinovide niya ang needs at that time.

Anonymous said...

To book readers of PB:
(Medyo off topic but gusto ko i-share:))

May na discover kaming bookstore ni Ia sa Morato, Bound Bookshop. Nagbebenta sila ng books but second hand. Magaganda titles, pwedeng i-check sa www.boundbookshop.com. Example: Nakabili ako sa powerbooks ng book ni Andrew Grove of Intel for 600+ pero meron ditong same na mga 100+ hardbound pa.

Ang collections nila come from readers din na nagpapaconsign ng old books nila. Kung meron kayong books na gustong idispose, pwede nyo pa consignment dito.

Thanks!

disclaimer: di ko inaadvertise yung bookstore,di ako kasosyo, natuwa lang ako sa bookstore.=)

Darwin's Theory said...

can't agree more sa comment ni Tito Helen. Ang mga magagaling na businesses nag-flou-flourish after a crisis (economic, war etc.). Wag lang bibitaw I guess. Good Luck to all of us.

Anonymous said...

Ay maganda nga ang bookstore na'to Tita Helen, saka mabait ang mga staff, tutulungan ka maghanap. Tambay din ako dyan dati :-) A few steps away from this bookstore is "greens"-- isang vegetarian cafe/restaurant na masarap at affordable, na try nyo na?

Anonymous said...

Hi Che. Oo, malapit siya sa "Greens". Hindi pa namin natry dito, nung Saturday lang namin napansin kasi sa tapat nito kami nagpark. Wala kasing ilaw yung signage. Pero ita-try namin. =)

Anonymous said...

La bang branch sa Ortigas nyan? I seldom visit that area eh! Safe ba mag-park dyan? He he he.

Anonymous said...

La bang branch sa Ortigas nyan? I seldom visit that area eh! Safe ba mag-park dyan? He he he.

Anonymous said...

I agree sa mga ngyayari ngaun na madaming tao eh ng suicide na lang dahil sa dami nilang problems. Hindi na kasi nila alam how they will handle their financial problems. Kaya ang ginagawa na lang nila eh mag-suicide para tapos na problema nila which is not a good solution. Advice ko lang sa mga tao eh be pratical or spend money wisely. Iwasan na muna ang mga luho dhil hindi natin alam what's going to happen tomorrow. It's very important to SAVE money for emergency use. Sa mga may business think of many ways para sa more improvement sa products or services nyo and develop new ideas sa pag advertise na hindi kau masyadong mag spend a lot and yet getting more results. Be a POSITIVE thinker para you can get POSITIVE results din. It really loses your energy kapag masyado taung negative sa lahat ng bagay. Ito ay piece of advice lang and it's up to you whether you take it or leave it. Goodluck to all of us!

Anonymous said...

ang kasal ba ay emergency? hahaha

EGAY said...

kasal?...emergency yan...for the groom to be! -either para di na magbago isip ng babae, or para di na siya makatakas pa!

Anonymous said...

OO naman ang wedding namin ni Evot eh emergency yun kaya dapat mag-Save na po kayo para sa event na yun...hahaha...