Saturday, February 14, 2009

Parang

The most popular: Love is Like a Rosary That is Full of Mystery. (euuuuwww!). Pero sikat din naman ang: 'Ang pag-ibig ay bulag' at siyempre ang klasik na "Ang pag-ibig pag nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang."

Eto naman ang 2000 version:

Ang pag-ibig ay parang boxing. Hindi maiiwasan na may masasaktan.

Ang pag-ibig ay parang tsinelas, kailangan may kapares

Ang pag-ibig ay parang UNLI. Nag-exxpire.

Ang pag-ibig ay parang sinampay.
Nananakaw.

Ang pag-ibig ay parang kape
Nakaka-adik

Ang pag-ibig ay parang lotto.
Kailangang sumugal para maka-jackpot.

Ang pag-ibig ay parang....
Math. Maraming problema.
Science. Maraming dapat patunayan.
PE. Minsan nakakapagod. Minsan boring. Minsan papawisan ka, minsan naglalaro ka lang talaga.
Ang pag-ibig ay parang joke.
Minsan pilit.
Minsan mahirap makaget-over lalo na sa kaligayahang naidulot nito.
Kahit nasasaktan ka na nang sobra, kakatawa.

Ang pag-ibig ay parang Virus sa PC.
pag tinamaan ka minsan matindi minsan hindi
minsan madaling mawala pero minsan hindi,
minsan kala mo na delete mo na pero nanjan pa pala

Ang pag-ibig ay parang ihi.
Kapag pingil masakit.

Ang pag-ibig ay parang washing machine.
Paikot-ikot lang.

Ang pag-ibig ay parang tansan.
May premyo sa likod.
Pero hindi naman lahat ng tansan may premyo sa loob.
Hindi naman palaging nanalo sa pag-ibig.

Ang pag-ibig ay parang global warming, hindi mo mamamalayang nararamdaman mo na pala.

Ang pag-ibig ay parang coconut, bigla nalang mahuhulog

Ang pag-ibig ay parang
bagyo, bigla kung dumating, mapapatangay ka lalo na at out of control , dahil minsan hindi mo kayang kontrolin

Ang pag-ibig ay parang buhok binata
one-sided

Ang pag-ibig ay parang spaghetti sauce
sweet, me konting spice pero minsan maasim

Ang pag-ibig ay parang
parang kalsada, two-way

Ang pag-ibig ay parang tawag sa telepono
long-distance.

Ang pag-ibig ay parang pagpila sa MRT
dinadaan sa tiyaga at pagtitiis kahit matagal at mahaba ang pila, nag-iintay, nag-aabang; kahit araw-araw na nakikipagbakbakan para lang makasakay

Ang pag-ibig ay parang libro
maraming chapters, at hindi mo alam kung happy or sad ang ending

Ang pag-ibig ay parang trip to jerusalem
me isang player ang mawawalan ng silya. maliban sa kanya, ang ibang player me nakalaang silya o upuan; makikipag-agawan ang players para sa silya nya; handa kang mang-jombag,majombag, makakuha lang ng silya; pag tatlo na lang mas matalino at madiskarte ang kakumpetensya, sa kanya mapupunta ang silyang gusto nya.

Ang pag-ibig ay parang hulugan.
"Bakit mangungupahan pa, kung kaya namang magkabahay na?" - Vice President Noli de Castro para sa PAGIBIG Funds.

Ang pag-ibig ay parang bato...
it's hard.

Ang pag-ibig ay parang LBM
di ka mapakali.. lalo na pag sumusumpong
di siya maalis sa isip mo
Di mo kayang pigilan
Di mo masasabi kung kelan siya dadating
Pag nailabas mo na ung tunay mong nararamdaman, gumagaan ang iyong pakiramdam.

Ang pag-ibig ay parang sipon, makapigil-hininga.
Ang pag-ibig ay parang mata ko, malabo.

Ang pag-ibig ay parang ako
mapang-asar
magulo
pero cute

Ang pag-ibig ay parang pag-ibig quotes.
Nakakasawa.

No comments: