Sunday, February 22, 2009

3 Less Known but Best Pinoy Restaurants

Me krisis talaga, kaya di pang-araw-araw. Kung merong okasyon o amy extrang pera, ni-re-recommend natin ang mga astig na restaurants na ito:

Apartment 1B - di sikat ang resto na ito sa mga di taga-Makati. Kasi naman talagang parang apartment siya. Pero ang kanilang menu ay gourmet - pang Top Chef talaga. Example ng dishes nila ay: Puree of Squash and Ginger, Baked Mushroom Spinach and Cheese Samosa, White Toblerone Cheesecake. Di ba pangalan pa lang sosyal na.

Pero since Gourmet, nagbabago-bago ang menu nila kaya nga exciting bumalik-balik.

Medyo madalas na kami dito kasi malapit sa office. Isang beses, nagdala ko ng bisita at di nya nagustuhan ang pagkain nya. Nung tinanong kami ng may-ari, sabi ko "medyo salty ang chicken", di nya nagustuhan. Pag dating ng bill, wala dun ang chicken! Astig di ba?


Address:132 L.P. Leviste Corner Sedeno StSalcedo Village, Makati City 1227


GALILEO ENOTECA

Literally, nakatago at mahirap hanapin. Ang address nga nila ay 80 Calbayog corner Malinao St., Mandaluyong. So parang di talaga sosyal ang address. Pero laging star-studded dito, minsan andun ang cast ng La Lola, tapos minsan ang mga Congressmen naman.

Ang OK sa Galileo ay ang antispasto (platter of cheese and cold cuts). Pag pumupunta kami dito, eto lang inoorder namin. Marami may gusto sa pasta nila - arabiatta at pomodoro.

Supposedly, wine cellar ito. Pero di ko masyado trip ang wine selection nila. Ang pamatay naman dito ay kanilang astipasto.



Cafe JuanitaPumupunta ang mga tao dito no.1 dahil sa ambience. Di ko sure kung paano i-describe, parang museum na hotel na merong fiesta. Parang maliit pero mataas kasi kaya nagmumukhang malaki, saka nga sandamakmak kasi ang decorations e.

Sobrang OK ng salads dito, meron silang specialty salad. Iyong kare-kare din nila ay masarap. Actually aside from Salads at dessert (Toffee Pudding), di ko na masyado gusto food dito. Pero must see dahil nga sa ambience.




Address: No.2 United Street corner West Capitol Street, Brgy Kapitolyo, Pasig.

9 comments:

Anonymous said...

Yung Galileo parang modern dungeon... mukhang exciting kumain dyan!

Anonymous said...

korek! parang monastery/dungeon

Anonymous said...

Try nyo, Mongkok sa me dulo ng Katipunan, just before the stop light going to U.P. peripheral rd.

Authentic Chinese resto!

Anonymous said...

Try nyo, Mongkok sa me dulo ng Katipunan, just before the stop light going to U.P. peripheral rd.

Authentic Chinese resto!

Anonymous said...

Try nyo, Mongkok sa me dulo ng Katipunan, just before the stop light going to U.P. peripheral rd.

Authentic Chinese resto!

Anonymous said...

Try nyo, Mongkok sa me dulo ng Katipunan, just before the stop light going to U.P. peripheral rd.

Authentic Chinese resto!

Anonymous said...

Try nyo, Mongkok sa me dulo ng Katipunan, just before the stop light going to U.P. peripheral rd.

Authentic Chinese resto!

Anonymous said...

masarap din ung bulalo sa RJ's bulalo sa mandaluyong. nafeature na un sa Ang Pinaka sa Q11...

Unknown said...

hmmm. thanks for this info. first stop apartment 1b sa makati. will try the white toblerone cheesecake! www.toblerone.com.ph