Monday, April 4, 2011

Outing Food

methinks nag level-up ang food nung Outing.  I think dahil mababa ang boto lagi ng FOOD pag outing, nag-effort ang marami para gawing masarap ang pagkain. 

Tito Boyet and Tito Rhoda's Siomai and Scramble  - 4pm pa lang naka-set-up na ang stations.  The siomai was a hit as always.  Pero ang scramble ay BLOCKBUSTER.  Ang haba ng pila sa dami ng gustong makatikim at gustong mag-2nd round.




Shiela's Baked Potatos with Mushroom and Bacon - Sinfully delicious.  Ramdam mo ang mantika sa mga ugat mo.  haha.  Pero sarap talaga.  Ang bilis nga naubos.  Ganyan masarap na food - konti lang para it will leave you wanting more.

for dinner
Lolipot and Tita Edith's Steamed Crabs and Chilli Crabs + Shrimps - alam ko sobrang mahirap maghanap ng crabs pag April.  Pero astig ang crabs na ito - malinamnam at mataba.  Mas gusto ko personally ang steamed crabs, pero si Tito Jim at ang may request ng chilli crabs.  Parehas masarap

Tito Egay's Roasted Chicken and Tito One's BBQ - is a hit with the kids.  Lalo na kay Gab =).

Lola Maam's Pata Tim - I loved this, lalo na pag sinabaw sa kanin.  Sobrang lambot ng laman.

Lola Tiyang's Caldereta and Adobo - napansin ko iyong caldereta with Olives.  Sosyal.

JayE and Shiela's Crabsticks salad with Ceasar Salad Sauce - nung una kong makita ito, di ko mawari kaagad.  Kakaiba talaga - may crabsticks sa salad.  Sosyal

Tito Par and Tita Bhogs Lechon from Elar's -   Ibang sarap ito than usual lechon.  Kakaiba talaga ang lechon from Elars.

di ko po alam kung sino nagdala ng maraming maraming drinks - thanks po!

after dinner
Tito Par and Tita Bhogs Chichirya - pati ang chichirya namin ay nag-level up na rin!  Syempre meron pa ring kropek.  Pero grabe ang Boy Bawang at Sugo peanuts - napalitan ng Growers Mexican Style less fat Peanuts.  Ang Rin-Bee napalitan ng V-Cuts.  Ang Oishi - napalitan ng Vegan chips. At meron pang Chicharitos.  Nung nakita ko nga kung gaano karami ang chichirya - ang reaksyon ko ay Exag!  Todo na talaga to.





Again, maraming salamat sa mga nagdala ng pagkain.  Salamat din sa nagdala ng drinks at bumili ng water, at yelo.  Salamat din po sa nagdala ng fruits.

1 comment:

Anonymous said...

Caldereta with olives ay niluto ni Vangie. Sinamahang siyang mamili ni Jim.