Tuesday, April 26, 2011

Staycation

Narinig nyo na ang bagong term na nauso last week?  Yes, STAYCATION.  Nung holy week kasi, maraming Pinoy sa Manila ang nag-decide na hindi mag-out-of-town or mag-out-of-the country.  Ang mahal ng gas, ang mahal ng toll, ang mahal ng bilihin.  Parang tipid mode na rin.  So ang daming tao sa Manila last week.

Kasama na kami sa mga nag-staycation.  Sa tabi-tabi lang namasyal.  Napansin namin:

1)  Lalo pang dumami ang mga tao na lumalabas pag Holy Week.  Que se jodang Holy Thursday or Friday.  Maraming establishments ang sarado.  Walang malls, walang sine.  So nagtiyaga ang mga tao sa kung ano ang bukas.  Mga restaurants, mga parks, mga gasoline stations, mga coffee shops.  Sobrang init din kasi, so makalibreng aircon, tambay na lang sa labas.

Mga 4 na oras ata kami sa Starbucks - doing nothing.  Kuwentuhan, nilalaro si Chanel.  Ang sarap pala ng walang ginagawa. hehe

2)  Lalong dumadami ang mga Pinoy na may asawang foreigners.  Marami na dati, tignan nyo na lang ang PBA at ang Pinoy BIg Brother.  Pero parang sobrang dami na lalo ngayon.  Kapansin-pansin sila kasi syempre que gaganda ng mga anak nila.

Sobrang daming Pinoy married to foreigners lalo na sa Laguna at Batangas area.  DI ako magugulat na aabot na ito sa 5% ng populasyon.  Marami na rin sa buong Pilipinas.  For sure may kilala tayo sa opisina, o sa school na ang isang magulang ay foreigner.  Iyong mga tisay - laging kapansin-pansin.

Well, sa Pinoy TV nga ngayon, mapapansin na rin kung gaano karaming tisay ang sumisikat.  Mga di pa nga marunong magTagalog nag-sho-showbiz na.  Ganun din sa sports lalo na ang basketball, football at maging ang ating rugby team. 

Sa PB, wala pang ganito ano?  Well, one can argue na ang napangasawa ni Evot ay isang American.  Which is true, at the time of their wedding.  Alam naman natin na nung nagkakilala sila e parehong Pinoy si Evot at Charisse, so sabihin na nating di sila qualified sa category na ito.

Hmmm.  sino kaya ang unang PB na magkakaasawa ng foreigner.  That would be interesting.

3.  Walang masyadong pakialam ang PB sa isa't isa pag Holy Week ano? 

Wala namang masama dito.  Saka, weird din kasing magya-yaan pag Holy Week.  Like paano yun - "Tara inuman tayo", o Tara beach tayo.   Hmmm.  minsan concentrated na lang sa immediate family mo.  Di naman secret, pero ginagawa mo na lang di ka na nangi-imbita ng iba.

Holy Week lang ata ang di ko alam kung ano ang ginagawa ng PB.  Hinahayaan ko na lang kayo kung ano gusto nyo gawin, at di na bina-blog =).  Nangingilin din sa chika pag Holy Week.  At ang interesting dito, di rin ako compelled na malaman kung ano ang ginagawa nyo.  Parang wala ring paki talaga hahaha.

So anong ginawa ninyo nung Holy Week?  =)

1 comment:

che said...

dati nagyayayaan sa laiya pag holy week!!!