8. Water Franchise
Minimum Investment: 20,000
Ang tubig ay sobrang basic na pangangailangan ng bawat tao - mas kailangan pa nga kesa sa pagkain. Masyado na bang maraming Water Stations sa inyo? O may limit kaya sa dami ng water stations sa isang lugar? Ilang basong tubig ba ang iniinom ng isang tao?
7. Educational and Training Franchise
Minimum Investment: 1 Million
Versatile ito. Pwedeng review para sa board or bar exam, pwede rin para sa entrance exams ng mga schools sa college or high school. Pwede ring vocational schools. Medyo mahal lang ang starting investment, pero mabilis ang ROI.
6. Bakery and Food Store
Minimum Investment: 250,000
Sinong Pinoy ba ang hindi kumakain ng Pan de sal. At flexible din ang tinapay - puwede ring pangtanghalian, pang merienda sa hapon, panghapunan.
5. Bar & Cafes
Minimum Investment: 1M and 250,000
Bars at Cafes, parehas nakatarget sa mga mas mayayamang market. At parehas na tubong lugaw. Example ang beer sa grocery lagpas lang ng 20 pesos, pero pag sa bar mo ininom easily 100+ pesos. Parehas din sa kape - ang isang tasa ng kape ay mga 15 pesos pero binebenta ng 90 pesos.
4. Personal Care
Minimum Investment: 200,000
Nagkalat ang spa, sauna at massage centers sa buong Pilipinas, ang dahilan ay obvious - OK na negosyo ito. Walang 50% ng populasyon ng Pilipinas ang nagpapamasahe, pero di naman kelangan yun sa negosyong ito. Kelangan lang ng mga suking bumabalik-balik para magpasahe. At ang ilang spa - meron na ring home service.
3. Service-Type
Minimum Investment: 2M
Puwedeng car wash, printing at syempre ang call centers. Tinatawag na "lucrative" ang negosyong ito dahil siguro sa mga cliente - marami ang imported. So you earn by the dollars or euros or yen.
2. Fast Food
Minimum Investment: 150,000 or 20 Million (para sa kilalang fast food)
Kelangan ng puhunan na 20M - 30M para mag-franchise sa malalaking fast food tulad ng Jollibee or McDo. Pero ang mga ibang fast food puwede namang mas mura. Di na natin kelangan i-explain ang daming Pinoy na mahilig sa Fast Food. So obviously patok ito - hanap lang ng tamang fast food.
1. Food Carts
Minimum Investment: 20,000
Ang food cart ang pinakasikat na franchise sa mga Pinoys. Kaya kasi ng budget para sa mga mag-franchise. Iba-iba ang presyo depende sa pagkain o inumin, pero nagsisimula ito sa 20k. Malamang narinig na natin ang success story ng K.I.S.S (King of Balls). Alam natin ang success ng Nacho King. Kelan lang, sobrang sumikat ang mga Scramble.
OK, start na!
1 comment:
Plano nga namin ni charisse na magnegosyo dyan sa pinas pero hindi pa namin alam kung ano...iniisip namin magpatayo ng apartment or bumili ng condo at iparent pero iniisip din namin na bumili ng bahay dito sa US at iparent din yun...nagiisip din kami kung ano pa ang magandang negosyo dito sa US...gusto nga ni cha eh magfranchise ng dunkin donut dito sa northern cali kasi yung pinakamalapit na dunkin donut dito samin eh sa las vegas pa...
Post a Comment