Di naman ang Greenwich o si John Lloyd ang nagpa-uso nito, pero for sure sila ang nagpasikat - lalo na ang latest batches ng mga commercials (with Anne Curtis and Solenn).
Pero eto ang iba pang diskarteng cheesy na cheesy...
1)
Ako: anong height mo?
Girl: 5'6 or 5'7 bkit?
Ako: nagtataka lng ako sa laki mong yan nagkasya ka sa puso ko.
2)
Ako: ui tgal n ntin d nagkita huh. parang 2matangkad ka?
Girl: eh bansot ka nman tlga eh! (sabog)
Ako: pano kc dati hanggang balikat lng kita ngaun hanggang isip na kita!
3)
Daig ko pa ang trapik sa edsa. Cause i can't move on...*
4)
Boy: Miss, alam mo para kang shades.
Girl: Bakit naman? Kasi bagay ako sayo?
Boy: Hindi. Kasi nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita kita!
5)
Boy: Miss, time traveler ka ba?
Girl: Huh? Ako? Hindi.
Boy: Ah kasi you looked like my future wife eh.
5)
Boy: Miss ihi kba?
Girl: hindi bakit nman ihi?
Boy: kinikilig kc ako pag lumalabas ka.
6)
Boy: Nakita mo nba ang true love mo?
Girl: ?
Boy: Subukan mo kc akong tignan.
7)
Girl: kung mganda ba ako.. liligawan mo ko?
Boy: Hindi..
Girl: kung sexy ba ako, liligawan moko?
Boy: Hindi..
Girl: :(( eh kung..
Boy: Ano ka ba.. palagi ka na lang kung.. kahit ganyan ka..
liligawan at liligawan kita.. bakit?
HiNDi KA MAN MAGANDA, HiNDi KA MAN SEXY, MAHAL NAMAN KiTA.
8)
Boy: Asan ka kagabi?
Girl: andito lang ako bakit?
Boy: kaya pala wala ka sa panaginip ko.
9)
Boy: ayoko na sa sarili ko!
Girl:?
Boy: gusto mo sayo na lang ako?.
10)
Boy: kung magiging subject ka sana ikaw yung pinaka mahirap.
Girl:?
Boy: para sayo lang ako babagsak.
11)
Boy: para kang algebraic expression.
Girl: bakit?
Boy: Minsan mahirap maintindihan but when you’re in the simplest form the best ka talaga.
12)
Boy: nagreview ka na ba?
Girl: yup
Boy: kasi mamaya papasagutin na kita.
13)
Boy: masasabi mo bang bobo ako?
Girl:?
Boy: kung ikaw lang ang laman ng utak ko...
14)
Boy: hindi ka ba nalulungkot?
Girl: hindi bakit?
Boy: nag-iisa ka lang kasi sa puso ko.
No comments:
Post a Comment