Thursday, April 7, 2011

Pansol vs. Tagaytay

Di ko naisip na magiging close fight ang PB poll tungkol dito.  Pero pag inisip mabuti, posible talagang close fight.  I-analyze nga natin.

VENUE
Tagaytay wins vs. Pansol.  Ang laki ng space sa Tagaytay.  Ang ganda ng view.  Ang gaganda rin ng kuwarto at mas maraming tulugan.

SWIMMING
Pansol wins vs. Tagaytay.  Well, Pansol is known as a swimming destination.  At saka dahil nga sa weather sa Tagaytay - challenging ang mag-swimming

WEATHER
Depende so it is a tie.  Marami ang napikon sa ginaw sa Tagaytay.  Pero, marami rin ang gustong-gusto iyon.  Di ba maalinsangan.  Sa Pansol naman, pag nainitan ka - e di mag-swimming.  So parang parehas lang.

ACTIVITIES
It is a tie.  Sa Pansol kasi, nakasanayan na natin ng Billiards at Videoke, na wala naman sa Tagaytay.  Sa Pina Colina naman, puwedeng mag-football sa laki ng lugar at mag-playground ang mga bata.  I guess depende na sa gustong gawin, yung ang mas OK.

PRESYO
Tie na naman.  Sa Pansol binayad natin ay 570pesos, sa Tagaytay ay 600pesos.  So di nagkakalayo.

LAYO
Sabihin na nating Tie.  Lamang ng konti ang Tagaytay, kasi mas malapit ito in terms of kms.  From Manila to Tagaytay = 56.6 kilometers.  From Manila to Pansol = 62k.  So di rin nagkakalayo. 


So oo nga, tie nga =).  Depende sa kung ano ang gusto mo at anong gusto mong gawin.  Well, I guess depende kung sino ang magiging PB President hehehe.

No comments: