Friday, April 29, 2011

Tawad

2 years ago, nagpunta kami sa Rome.  Mga Novemeber nun so perfect time for shopping =).  Alam naman natin na marami sa mga branded na gamit ay Made in Italy.  Maski na yung mga sikat na European brands e gawa sa Italia.  So pag magshopping punta sa via Cognotti malapit sa Piazza di Spagna (Spanish Steps).  Eto ang paraiso ng mga shoppingero at shoppingera.  Kasi andito nakahilera sa kalye ang mga sikat na brands.  Katabi ng LV ang Gucci, at sa tapat naman ang Hermes, Bulgari, Burberry at Ferragamo.

Isa sa aking mga favorite brand ay Ferragamo.  So pagpasok sa tindahan, nagustuhan ko na ang isang sapatos.  Sinabi ang size, kinuha ng attendant, sinukat ko.  Sakto.  Perfect.  Bibilhin ko na sana, kaso nakita ko ang isang leather laptop bag.  Astig na astig at gusto ko talagang bilhin.  Kaso shoes + bag, wala na sa budget e.

Naisip ko, subukan ko kayang tumawad?  Nakakahiya kaya?  Inisip ko naman na di na naman nila ako makikita ulit sa matagal ng panahon, at wala namang mawawala.

So game, sabi ko "Can you give me discount?".  "I am a tourist and don't have many money - but I want the bag.  Can you give me 50% discount?".  Medyo na-shock nga ang tindera.  Sabi ko pa na, ang layo pa ng pinanggalingan ko, 22 hours ang flight galing Manila at pauwi kami kinabukasan.  Lahat naman yun ay totoo ano!

Sabi ng tindera tatanong daw niya sa Manager nya na nasa kabilang store.  After 5 mins, bumalik na si Ms.  Sabi niya sorry, 20% lang daw puwede.  Sabi ko, ay di aabot ang pera ko.  So tawad na naman ako, sabi ko bibilhin ko naman ang sapatos.  Sabi ko rin na sa layo ng Pilipinas, baka matagalan pa ko bago makabalik ulit.  Isa pa, tinuro ko sa kanya sa mapa kung asan ang Pilipinas at sinabing para ako makarating ng Rome, kelangan kong dumaan ng Malaysia, Netherlands at France, so bigyan nya ko ng discount, please.

So umalis na ulit si Ms.  Pagbalik nya kasama na niya ang Manager.  Akala ko nga papahuli na ko sa Immigration dahil sa kulit ko.  Nag-introduce ang manager at sinabing OK daw ang tawad ko, bibigay na ang bag sa presyong gusto ko.  Nice! 

Naisip ko teka lubusin na natin at sinabi kong:  "Can you also give me discount with my shoes?".  Hahaha.  Sa dulo, binigyan nya ko ng 25% discount sa aking shoes.  Christmas naman daw.

So di lang sa Balintawak at Divisoria puwedeng tumawad.

3 comments:

Evot said...

wow!!! yan ang pinakasosyal na tawaran na nalaman ko...hahaha... dapat pala ginawa ko din yan na tumawad nung bumili ako ng swarovski jewelry sa Germany for 1st wedding anniv gift ko para kay cha... hehehe

Darwin's Theory said...

Huy Evot puwedeng tumawad sa Germany. BUmili rin ako sa Swarovski - sabi ko bibili ko ng 4 tapos ilibre na niya ang isa. BInigay naman!

Sa Germany din bumili ako ng sapatos, ayaw magbigay ng discount. Sabi ko bigyan na lang niya ko ng gifts. So hiningi ko ang shoe cream, shoe protector, shoe bag, at iyong pang-shine =).

Puwedeng puwede talagang tumawad

jim said...

ako rin ido minsan tumawad din ako o binigyan din ako ! sa bilihan ng swarma sa savemore ok na ok , pag medyo magsasara na ang swarmahan at iisa na lang yon chapati at paubos na rin yon beef ibibgay na lahat sayo yon beef at pati sauce nila ipapabalot pa sayo , di ba ok ?