Pinutol ng GLOBE ang linya ko on my bday - grabe sobrang bait.
Sr. Vicky maraming salamat sa iyong text greetings. At ang song mo na "Do you know where you are going to?" - medyo nangiti ako hehehe. Dahil, laging hindi ko alam where I am going to maski na dati pa. Medyo spontaneous person kasi ako. Nakaplano lang ang high-level, pero iyong ibang details e bigla-bigla na lang nade-desisyonan. Ex. bigla-bigla na lang ako nagpapa-raffle wala namang nangangantiyaw hehe. Bigla-bigla din ako bumibili ng mga bagay-bagay minsan mahal minsan mura.
Katulad ng ibang may bdays dito sa PB Blog, magbibigay din sana ako ng prize para sa mga nag-greet. Iniisip ko favorite song sa mga nilista. Kaso ang daya siyempre - e di ang mananalo ay si Lola Maam. Dahil all-time favorite ko ang Across the Universe - alam nyo naman big Beatles fan ako. So wala na lang mananalo hahaha.
No comments:
Post a Comment