Etong linggo ng April 15 ang pinakamalungkot sa buong taon, para sa mga nagtratrabaho o merong negosyo. Paano, eto ang TAX week. Pinakamalungkot na gawain ay ang pagpirma ng Form 2316 - Tax Form.
Sa Pilipinas, ang Corporate Tax ay 30%. Ang Income Tax ay mula 5% hanggang 32%. Ibig sabihin 1/3 ng suweldo ay napupunta sa taxes. Actually, mas malaki pa kung idadagdag ang VAT.
May kasabihan nga: 2 lang ang permanente sa mundo - mamamatay ka at magbabayad ka ng tax. =).
Di ko alam kung mas masakit ang withholding tax. Ang kumpanya kasi naman - grabe sobrang stricto pagdating sa mga taxes. Iyong mga exemptions na ginagawa ng ibang kumpanya na kung anu-ano, bawal sa amin. Masunurin talaga sa batas. So ang withholding tax ay binabawas na talaga sa suweldo. 32% ng suweldo ay automatic napupunta sa taxes.
Ang 13th, 14th month pay - natatax. Ang bonus dahil sa kakaibang skills merong tax. Ang bonus mo dahil hindi ka nag sick leave buong taon - natatax din. Tumulong ka nga sa bansa dahil di ka nagkasakit - tax pa rin.
Konting consuelo, marami ang bansa na mas mataas ang Tax% kesa sa Pilipinas (tignan ang table sa ibaba). Halimbawa, sa Belgium ang income tax ay umaabot ng 55% (wow!). Sa France aabot ng 40% at sa Germany ay 45%. Sa Denmark, umaabot ito ng 60% (pinaka-wow!).
Withholding tax naman, so dapat mas konti ang impact. Ang kaibahan lang siguro ay pag linggo ng April 15, nakikita mo ang lahat ng binayaran mong tax sa buong taon sa isang papel, naka-compute ang amount e.
Kayo, magkano tax ninyo this year? ; ).
5 comments:
Ang nakakadagdag pa ng lungkot dyan sa pinas eh hindi mo alam kung saan napupunta yung binabayad mong tax...ay mali,alam mo pla kung saan napupunta,sa mga bulsa ng mga corrupt govt official...
Dito sa states eh malaki nga yung tax na binabayaran namin pero ok lang kasi hindi kinukurakot ng govt t maraming benefits ang makukuha mo pagnagbabayad ka ng tax...
1 of best example kung ngbabayad ka ng tax dito eh kung madisable ka or malay off ka sa work eh pwede ka magapply ng employment disability or benefits sa govt at bibigyan ka ng govt ng daily money mo...like si cha ngayon na nakamaternity leave, meron cya nakukuha sa govt na money (kadalasan yung maternity leave nga pla dito states eh withouy pay sa company)...meron nga kami friend dito na nakapagbakasyon dyan sa pinas dahil sa nakukuha nya benefits sa govt dahil nalayoff cya sa work...
Madami din tax deduction dito sa states like kung meron ka sariling bahay, meron tax deduction yun sa tax...
Magkasabay din pla yung pagfile ng tax dyan sa pinas at dito sa states...
Naalala ko yung dyan pa ako ngwowork sa pinas eh yung iba nalulungkot kasi ang laki ng tax deduction nila pero sakin eh ok lang yun kasi kung malaki ang tax deduction eh meaning masmalaki ang matetake home pay mo compare sa maliit nga yung tax deduction mo eh maliit lang din ang take home pay mo...
Sabay din dito sa Canada, April 30 ang deadline. Tama si Evot, dito din ok lang magbayad ka ng tax, may benefit na nakukuha. The best example is ung medical benefit...free ung doctor every check- up, free lab exam (blood test, x- ray, ultrasound, etc) pati ung mga minor surgery, d b ok? Saka kadalasan may mge refund ung mga tao dito.
Speaking of maternity leave with pay, Evot ilang months ang leave dyan, dito yata upto 1 year ( yata). Pag na lay- off 1 year din yata ung unemployment benefit nila ( sabagay may maliit na employment insurance kasi na binabawas sa sweldo at naiipon plus ung galing ng goverment).
yeah, meron din medical benefits dito from govt para sa mga low income at senior citizen lang. so kami ni cha eh wala kami nakukuha na medical benefits sa govt pero meron naman kami sa company namin.
yung maternity leave benefits dito at paid family leave eh up to 6 months so 6months ka makakatanggap ng benefits sa govt.
then yung sa unemployment naman eh dipende sa contribution pero usually up to 1 year.
Post a Comment