Tuesday, June 15, 2010

Balita galing sa Poker Party

1)  Marami na palang estudyante ang pumasok last week.  Which includes Gab who now stays at the Dorm - kasi nga naman ang layo ng Los Banos sa Quezon City (Pisay).

Classmate nga ni Gab ang anak ni Viel (iyong sister nila Noynoy at Kris Aquino) - sosyal!

2)  Nagpa-alala si Evot about his despedida party on Sunday, June 20.  Sa Bacci Restaurant in Makati (please see previous post).  Sabi ni Tito Jim may i-a-announce daw siya. 

Si Evot pala ay nag-punta na ng embassy last week.  Pero meron mga papeles na kailangang asikasuhin.  Ang target departure ay June 22 - 1 week na lang.

3) Sino sa PB ang merong bagong sasakyan?  Parang every 6 months, merong bumibili ng bagong sasakyan sa PB ha.  Ang bagong sasakyan ay ang guwapong-guwapo na Toyota Fortuner.  Alam nyo kung kanino ito?  =).

4) PB = Laker's Fans.  Except Tito Ido, lahat pala ng mga taga-PB ay supporter ng Lakers.  Surprising.  Si Par ay maka-Laker's pero ayaw daw niya kay Odom.

I guess si Tito Ido lang ang masaya sa 3-2 today hehe.

5) Hindi na nakasama, matsitsismis pa.  Bumili raw ng bagong "building" si Pres. JayE - ginagawa kasi niya itong bodega para sa kagamitan niya sa negosyo.  Naglipat siya nung weekend kaya di siya nakasama sa Poker Party.

6) Ayon sa mga kasama sa bahay ng Domingo, sino sa 3 sisters ang pinaka-maganda?  Karen, Camae or Kathleen?

11 comments:

popoy said...

boston celtics po ako ...

tito jim said...

IDO muka yatang lumalabo b-day ko , yon isa pupunta na sa US , yon isa naman bumili ng building , ano ba yan ! pero balita ko , si ditse daw umaangangkas na sa tricycle ha ha ha !

ido said...

kuya jim. inalagaan mo ba si ditse nung may sakit sya? ilang beses mo ba syang dinalaw? baka maka-affect yan sa bday mo hehehe

edet said...

Pano naman kasi Jim sobra sa plano si Jaye! sa dami ng plano, ayan mukhang sa basketball court ka na naman mag be-bertdey. hehe

Darwin's Theory said...

kuya jim. kung sa basketball gagawin ang 50th bday mo, puwedeng parang children's party. masaya din yon.

edet said...

OO nga Jim, ok yun children's party na theme. anyway muhka ka namang bata. (batang isep) Last year may dept kami na kiddie party ang ginawa nun xmas party nila. Kaya lang, isipin mo na si Diche ay magsusuot ng pang Kacey na outfit.mwahahaha

jim said...

sige ok yon hah, children party tyo ,para maiba naman ok naman si ditse halos kasing laki naman ni kacey ,eto nga naghahanap ako ng basketball court na aircon , isip kayo ng parlor games na pambata , pero kasali lahat , ibalik natin ang nakaraan di ba !!!

ido said...

wow! sounds exciting.

edet said...

Jim, sagot ko na ice cream cart at cotton candy sa party mo, matuloy lang. Sige, samahan ko na din ng palayok for "hit the pot". hahahaha

jim said...

ano naman gagawin kong theme?! inunahan na ko ni tetes sa hawaiian , si edet naman nag pa masquerade party na rin sa sopitel , si ia naman oldies party at ice cream party , si jorge naman pizza party , oh di ba ,iba naman ako ,

anony said...

baby bonjing theme tamang tama sa childrens party.tpos my mga clowns.for games like mga palawit na candies,pera tapos may basagan palayok din.