Malamang nasabi na natin sa sarili na gusto natin ay simpleng buhay. Simpleng pamumuhay simpleng pangarap. Ano nga ba ang ibig sabihin ng simpleng buhay? Pag may kotse ka ba hindi na simple ang buhay? Kasi iisipin mo na ang pang-gas, baterya, aircon at frion, at ang brake pad. Nagiging kumplekado ang buhay - di na simple.
May kinalaman ata ang pagiging simple sa pagiging mayaman o di mayaman. Habang yumayaman, mas nagiging kumplekado ang buhay. Sure yan. Pero, ang ibig sabihin ba nito ay mas konti ang problema ng mga hindi mayayaman? Parang hindi rin.
Hindi kaya sinasabi lang natin na gusto natin ng simpleng buhay, pero sa totoo ay gusto nating maging mayaman talaga? Bakit ka nag-o-opisina hanggang gabi, minsan nag-mee-meeting maski Sabado at Linggo? Bakit ka merong bagong tanggap na rush, na alam mong uumagahin sa pagtapos para umunlad ang negosyo?
Which leads us to the main topic of this post? Di ko na talaga maibalik ang dating format ng blog =(. Tapos pinili ko na lang ang "simple" template. Parang mas madaling magbasa - at wala masyadong complikasyon. For now, simple muna.
No comments:
Post a Comment