Friday, June 11, 2010

Di na mabalik sa dati

Di ba minsan may nasasabi tayong mga masasakit sa kapwa pag galit tayo o naiinis.  Di naman sinasadya.  Gusto mong bawiin pero too late na.  Nakasakit ka na at madalas matagal makalimutan.

Minsan, gusto mo namang mag-scientific experiment sa bahay.  Ano kayang mangyayari pag tinapat mo ang magnet sa TV?  Pagkatapos mong mapalo at masermonan dahil nagka-poknat ang isang parte ng TV mo, magsisisi ka na.  Di na mababalik sa dati.

Dati nilamas na saging, masaya ka na.  Pipila ka pa sa lola mo at makikipag-agawan sa mga pinsan mo para makakain.  Ngayon pa-hotel-hotel ka na lang, nasasarapan sa mga pagkaing gourmet at gawa ng mga kilalang chef.  Kakain ka pa kaya ng nilamas na saging?  Mababalik mo pa kaya ang dati?

Sabi ng BLOGGER, meron daw silang bagong template para mas maganda ang blog. Ginawa ko naman kasi ang ganda nga sa picture.  Anak ng tinapa!  Di ko na mabalik ang dating blog.  hahaha. 

3 comments:

Che said...

Actually parang mas madaling magbasa dito...

pero for some reason parang mas gusto ko pa yung dati..haha o baka nakakapanibago lang... muntik ko na nga i-close akala ko na hack!!!

evot said...

uu nga...masmadali magbasa ng blog sa bagong PB theme. kaso nga lang mas OK pa din yung dati...hehehe...
Parang inulit ko lang yung sinabi ni tita cheche...hehehe...

jim said...

mas ok yon dati yata ,ito ngayon scroll mo pa para makita yon iba o medyo napalaki lang siguro text