Tuesday, June 8, 2010

StarStruck

Pinakamagandang celebrity na nakita ko sa personal:  Mylene Dizon.  Sobrang ganda pala nun.  Maganda rin siya sa TV, pero mga 10x pala siya mas maganda sa personal.  Nakita ko na rin sila Heart, Kim, Angel, Katrina.  Di pa si Marian, siguro maganda rin yon sa personal.

Pag lunch kasi sa Greenbelt, daming artistang kumakain.  Kita namin si Maricel Soriano sa labas ng NuVo, nagyoyosi kasi siya e.  Flawless.  One time naman si John Lloyd nag-lunch sa Masas, grabe naman - naka-cap, naka-shades at naka-hood!  Di ko sure kung may trangkaso siya.  Pero sana di niya iniisip na pagkakaguluhan siya ng Greenbelt lunch crowd. 

Once, sa La Scala nakita namin si Madame Imelda Marcos.  Nun ko na-realize kung bakit nananalo pa siya sa eleksyon.  Grabe naman pala ang aura at dating niya sa personal.  Si GMA din na-meet ko nung umattend siya sa Independence Day celebrations ng inoy community sa France.  Ang galing magsalita.


Eto mga StarStruck moments ko, share nyo rin ang sa inyo:
1)  Paris, France. 2001
Nung asa Paris, lagi akong tumatakbo - lapit kasi sa bahay ko ang magandang park.  One time, pagkatapos kong tumakbo ng 5k, nag-CR ako sa McDonalds along ChampsElysees.  And guess what, nakita ko si  Cesar Montano!   Di naman star-struck pero shock!  Nalito nga ako kung asa Pilipinas nga ba ako.  Yun pala nanalo si Cesar ng Best Actor sa isang international awards.  Sinabi ko sa kasama ko at sinundan namin sila dahil hinahanap namin si Sunshine.  Andun nga si Sunshine - malaki nga talaga ang kanyang labi =).

2)  6750 Smoking Lounge, Makati 2004
Yosi break mga 6:30pm.  May nakisindi sa akin - wow si Jett Pangan.  E fans ako ng Dawn mula pa Grade School - so eto ang starstruck moment.  Natulala talaga ako at di ko halos naabot ang lighter. 

3) Manila, 2008
Pag professional meeting, dapat prepared.  And I was very prepared.  Mga 10 minutes na kong nakaupo sa napakalaking boardroom.  Dumating na siya.  Lucio Tan!  Mega Ultra Starstruck.  Tinanong nya ko ng - "do you think the call center location here is OK".  Wala akong naisagot for the first 10 seconds.   Alam nyo yung feeling na alam mo ang isasagot pero dahil sa kaba, takot at shock, ayaw lumabas?  Buti naman nasagot ko ang sagot niya.  At tinawag niya ako sa first name ko - close na kami!

1 comment:

Che said...

Una ay si Pope John Paul II sa Rome. Di ko kasi sya nakita dati nung nagpunta sya sa Pinas nung World Youth Day, but nung sa Rome medyo malapit, well mukha talaga syang banal (as in hindi maipaliwanag na kabanalan)!

The second ay ang Queen ng Holland, na nakausap ko pa ng mga 10 minutes. Yun ang mega starstruck moment dahil I never thought I would meet a Queen at makakapagsabi ng, "Hello, Your Majesty"...hahaha. Kinwento pa nya na napaka-cute daw ni GMA nung bata pa sya when she visited the Philippines many years ago at Presidente pa si Diosdado M.

Dahil nagtrabaho ako sa PMS, medyo wala akong pakialam sa mga politiko, including erap, na makita sa malacanang...pero nagulat ako ng makita si Imee Marcos dito sa singapore-- sa isang simpleng Indian Biryani turo turo restaurant (kasama ang papa nyang singaporean)-- well dinadayo kasi ang stall na yun, but still, di ko pa rin inexpect na kumakain sya sa ganun...