Saturday, June 26, 2010

Driving

Sa ibang bansa lalo na sa US, sobrang laki ng highways.  Iyong tipong dalawang sasakyan kasya sa isang lane.  So talagang OK na OK mag-cruise control, tapos wala ka ng gagawin kundi galawin ang manibela paminsan-minsan.  Iyong isang ka-opisina ko dati, nag-na-nailcutter habang nag-dri-drive!  Astig - at kasama pati kuko sa paa?

Anong exhibition ninyo habang nag-dri-drive?

Gumawa ang National Geographic ng feature tungkol sa mga ginagawa ng tao habang nag-dri-drive.  Nagkakaruon daw ng "comfort protection" ang mga salamin ng sasakyan - iyong parang nagkakaroon ka ng kalayaan na gawin ang mga bagay na di mo pangkaraniwang gagawin in public.  Pero gagawin mo sa loob ng sasakyan.

Interesting ano?  At totoo.  Ilang beses na kayong nakakakita ng mga nag-pe-perform sa loob ng kotse - parang song and dance habang nag-dri-drive.  Ang mga ka-opisina ko inaaming nag-ma-make-up sa kotse habang nag-dri-drive.  Pangkaraniwan na ang nag-yo-yosi, kumakain, nagkakape, nag-te-text. 

Hmmm, parang minsan ayaw mo na rin malaman ginagawa ng ibang tao habang nag-dr-drive =).

2 comments:

evot said...

sarap mgdrive dito pero nkakainis LNG ung mga STOP sign kasi need huminto ng atleast 3sec para umandar ulit. Eh ang daming stop sign nman dito. =(

tetes said...

ganun yata takga ang rule nila sa driving, kahit dito nung nag-aral ako ng driving, isa un sa tinitingnan ng driving instructor ko. Mabuti naman naipasa ko ung exam at nakakuha ako ng lisensya pero pang side street pa lang..de pa pwede ung mga highway, iba un. Ung nga lang, dahil maganda mag-drive dito, maluwag ang daan, baka sa pinas di ko kaya...sobrang dami nga sasakyan, lalo ng mga bus at jeep...hay naku!!!