Karen texted last week: tito suggest ka namn po ng mga gimik na puwede ko gawin sa resto para punthan ng mga customer. kc ung iba nagaalangan pumasok ung iba nmn namumurahan sa pagkain eh naguguluhan ako.
Wala naman akong entrepreneural experience, at lalo na sa food business so tinanong ko na sila Tito Jorge, Tito Egay, Tito Jim - during the poker party. Sila kasi ang may business e.
Sabi ni Tito Jorge, pumili ka nga raw ng target market mo. Kasi nga mahirap talagang pagsabayin ang CLass A&B at D&E. Sabi pa ni Tito Jorge, baka daw mas paboran mo ang A&B market, kasi nga maski konti customers mas mataas ang margin (o tubo).
Sabi rin ni Tito Jorge, mag-all-out marketing campaign ka this month. Magpakalat ka ng mga flyers at mga posters.
Sabi naman ni Tito Egay, gumawa ka raw ng package meals. Iyong meron ng ulam + rice + drinks at an affordable price.
Silang dalawa lang ang nagbigay ng opinyon, kasi maaga silang natanggal sa Poker nung umaga hehe.
Agree ako sa kanila. Nagsasalita lang ako as a customer dahil wala naman akong experience sa business. Pag naka-suot ako ng pang-office ayokong kumain sa mga murang restaurants. Actually bawal din naman sa amin. Pero example, kung weekend at naka-shorts puwedeng-puwedeng Tuding at Atoy's. Gusto ko rin dun, 1x a month siguro - kasi sobrang taba ng pork chops nakakamatay.
Sabi ko rin sa iyo Karen, puwede kayong mag-imbento ng isang natatanging Specialty Dish. Tulad nga ng porkchop ng Tuding's at ng mabalahibong tapa ng Rodic's (sabi ni Tito Jorge). O kaya ng Binalot adobo - adobo nakabalot sa balat ng saging with Itlog na Pula.
Tingin ko dapat Pinoy ang specialty dish na ito. Hindi puwedeng pasta, kasi di naman kayo Italian restaurant. So isang matinding Ulam Pinoy na hahanap-hanapin ng mga customers dahil sa kakaibang lasa.
Comments pa po kayo ha para matulungan natin ang rising business ni Karen.
5 comments:
sa akin naman ,suggest ko GOTO W/ TOKWAT BABOY, kasi ang lugaw laki kita ,dagdag lang tubig dami na ulit ,
Hi Karen. Here are my suggestions. Actually, wala din naman me business but, meron lang din me experienced sa retail marketing. At least magkarun ka lang idea.
1. Know your audience. Tama ang suggestions nila Ninong Jorge. Kung ang target mo eh Class A&B, dapat dun ka din mag-focus. But, I think ang target mo ay Class D&E db? Kasi, students and yung mga pumapasok sa work. Ang target mo lang eh parang mga Middle class kaya dapat ang menu affordable. Let's say meron kang Tapsilog, dapat pasok sa budget ng students. Kasi nga students lang sila they can't afford higher prices.
2. Since ang target mo eh mga middle class and mga students or bata. Dapat alamin mo kung ano ang mga gusto nila para magpuntahan pa sila lalo sa restaurant mo. Add fun to your restaurant. Let's say add videoke or karaoke, billiards, tv, vendo machines etc.
3. Promote your business. Send some fliers. Make a website for your restaurant. Hindi naman kailangan na gumawa ka ng site na magbabayad ka pa. Pwede naman sa Facebook, Multiply, Twitter etc. Tapos mag-add ka ng madaming friends sa site mo. Tapos everyday or everyweek, mag promote ka sa site mo ng mga promotions for the week. Let's say may darating na occasions like "Father's Day", gawa ka ng add na applicable dun. Like, magkarun ka ng buffet for that week. Or, kapag you'll bring your family plus your father, yung father "free" na. Pwede mo din gawin yung "free" sila kapag birthday nila. Basta may proof na ipakita like Drivers license.
4. Yung mga kumakain sa restaurant mo, make sure to get their email address or info. Para naman kapag may mga promotions ma-send mo sa kanila. Tapos let's say naka-500pesos worth sila, send them coupons na 20 pesos off on their next dining. Basta dapat magkarun ka ng mga gimiks na ganun.
5. Pwede ka din mag-allow ng mga private party. Create a package kapag sa may mga birthday or any occasions.
6. Have your own specialty. Totoo sabi ng mga Tito natin. Iba yung meron kang own trademark. Katulad ng razons known sila sa masarap na halo-halo. Dapat mag-create ka ng kakaibang menu na talagang own specialty niyo. Mag-research ka para magkarun ka ng idea. Kung filipino dishes, kahit naman 2 or 3 na specialty niyo ok na yun. Kasi dadami at dadami naman specialty niyo din sa susunod.
7. Give out survey sa mga guests niyo. Yung mga pwede improve ng resto. Mga foods na pwede dagdag etc.
8. Promote your website din sa mga other sites na free. Like sa Sulit.com.ph, ph.88db.com etc.
I'll let you know if meron pa ako maisip na iba. Papasok na ako kasi kaya ng mamadali. I hope makatulong ito. Goodluck to your business.
pwede din yata un parang frequency card, (sa mga coffee shops ko dito nakikita like starbucks ) parang stamp card na everytime kakain sila, they get one stamp. Kung halimbawa maka 12 stamps sila, ung pang 13 kain nila becomes FREE. Makakadevelop ka dito ng customers na loyal sa resto mo. Maganda din lalo na kung everytime bumabalik ung customer sa resto mo may nakikita siyang bago. Maganda din talaga ung maka-imbento ka ng specialty dish mo. Sa akin dito, itong stamp card na ito nagwowork, kasi sa dami ng competition, mas gusto nila sa amin bumili kesa sa iba dahil sayang ung FREE item (lalo na ang mahal ng tinda naming Spanx). Simpleng suggestion para iyo, dahil ung card pwedeng iprint lang sa cumputer, di na kailangan ung hi-tech but just don't forget ung phone # ng resto mo. Goodluck!!!
wla dn me lam s food business pro mhalaga ang customer's feedback so i2 lng masuggest ko:
1)ate karen suggest ko ung dessert m n may graham at mangga (d ko kc lam twag dun),kc pwde cya maging signature dessert m...apparently d lng me ngsbi n msarp un so why not try 2 incorporate it s combo meals m (rice + ulam + drinks + sampler dessert)...
2)kng target m ay students ur price range must be P50-P70 or kng gs2 m ms higher kailangn mlaki ung serving,lam m nman students tipid mnsan ung iba nman tinitgnan kng gaano kdmi ung food serving tpos share cla...
3)try nyo dn mgkaroon ng food 4 d coming cold weather,kc yn ang hhnapin nla pti coffee lalo n s mga ngtra2baho...
mga suggestions lng nman yn,i ope i help as a customer representattive...hehe!
miss u a lot!kip it up,God bless...
hey Karen! sa tindahan namin kapag nakapagbayad ka ng utang mo na umabot ng 300, me libreng softdrinks.
yung iba na hindi umabot sa 300 maiinggit, so next week aabot na ng 300 babayaran nya.
ok ang mga promo kasi iisipin ng ibang customers na "bakit sya merong libre?" gusto ko ako din meron...
Post a Comment