Marami ang naiiyak o naluluha sa airport. Tiyak iyan. Next time nyong pumunta, subukang pansinin ang mga ibang taong naghahatid. Lalo na yung mga mala-barangay kung maghatid - iyon bang arkiladong jeep para magkasya lahat ng mga maghahatid. Huwag maging plastic ganyan tayo dati.
Di rin nakakataka na maiyak (o maluha) si Tita Vangie sa pag-alis ni Evot. Ibang alis naman ito, permanente. Si Ate Vangie ay beterana na rin sa pag-alis, ang tagal din nyang nangimbambayan. Ganun din si Tito Jim. Ang kaibahan siguro, nung sila dati e nagtratrabaho. Kaya, alam mong babalik. Minsan after 1 year, minsan 2 years. Minsan 5 years. Pero babalik.
Ang pag-iyak ni Tita Vangie ay walang kinalaman sa pagiging mabait na anak ni Evot. Hahaha. That is a separate topic - na huwag na nating pasukan. (Pero sino kaya ang pinakamabait na anak ni Tita Vangie? sa palagay ninyo?). Malamang dahil yun sa di kasiguraduhan kung kelan sila magkikita ulit, next year? in 2012? kelan? Iyon siguro.
Kayo, naiyak na ba kayo sa airport?
1 comment:
Sino nga po kaya ang mabait na anak ni Mama Vangie? hehe.. Ako po ilang beses na umiyak sa airport. Hindi ko na nga po mabilang eh. Pero ngayon hindi na po ako iiyak kasi andito na si Evot ;)
Post a Comment