Showing pa ang Toy Story 3. Surprising na OK ang part 3 na ito. Iyong ibang part 3 kasi medyo nagiging ewan na katulad halimbawa ng Shrek 3=(. Ewan lang ang paparating na Twilight. Sabagay di ko napanuod ang Twilight at New Moon so walang basis.
Huwag nating ikuwento syempre, dahil baka marami pa di nakakanuod. Interesting sa pelikula ay bago na ang mga characters sa Part 3, wala na yung iba sa original movie. Which is OK! Kasi ganun naman talaga di ba, nawawala o nagsasawa ka naman talaga sa mga laruan mo.
Konti lang laruan namin nung bata. Ang uso naman kasi nun ay mga laro sa kalsada, so di masyado sa mga toys at gadgets. So paborito kong laruan ay "text", di yung sa cellphone ha, iyong papel na maliit na hinahagis tapos tsa or tsub. Di ata laruan ang patpat, pero peyborit ko rin ang shato.
Ano peyborit nyong toy?
5 comments:
Ay yes ganda ng Toy Story 3!
Excuse me, hindi text ang spellin nun yata, 'teks', diba?
nagkaintindihan naman kung ano ang gusto ipahiwatig about "text" or "teks"...hehehe...
basta yun ang kapirasong papel na meron picture at kadalasan ang mga picture eh sila FPJ at lito lapid movies...
at kapag binibilang yun eh ganito:
i-sa...dala-wa...tat-lo cha...hehehe
korek. teks nga dapat. nung tinype ko nga yan parang may mali. parang shato din, ganyan ba talaga spelling nyan? ang dami palang mga bagay at laro dati na di sure ang spelling. kasi ang mga laro - nilalaro hindi iniispell hehehehe.
Siyato! (walang 'sha'...siya siguro ang rootword sa wikang Tagalog)
Ganun din ang 'tantsing' (hindi tanching)
Eh ang Jolen? Dyolen?
Hahaha
Post a Comment