Ang synecdoche ay isang Literary Figure of Speech. Katulad ito ng mas sikat ng Simile, Metaphor, Oxymoron at Paradox.
Ang pronunciation nito ay parang SI-NE-DO-SHEY. Accent on the 2nd syllable. Ang technical definition ayon sa wiki ay:
Part of something is used to refer to the whole thing (pars pro toto), or
A thing (a "whole") is used to refer to part of it (totum pro parte), or
A specific class of thing is used to refer to a larger, more general class, or
A general class of thing is used to refer to a smaller, more specific class, or
A material is used to refer to an object composed of that material, or
A container is used to refer to its contents.
Mas madaling maintindihan pag may examples.
1) Pare, dala mo ba ang wheels mo.
Synecdoche ito kasi tinawag mo ang kotse mo ng parte nito, which is the wheels nga.
2) Ale, pagbilhan nga po ng isang lapad o kaya, Ale, pagbilhan nga po ng isang bilog.
Synecdoche ang mga ito dahil pinalit mo ang lalagyan sa talagang binibili mo - Tanduay Rhum o Ginebra Gin
3) Gusto kong bumili ng Colgate, iyong Close-up.
Ginamit ang tatak na Colgate bilang kapalit ng mas generic na toothpaste. Para rin iyang, pagbilhan nga po ng ng Coke iyong Pepsi.
****
So ayan may bago na namang natutunan. =). Next time, pag kasama ang mga friends o barkada at sinabi nilang, pare/mare mag-Kodakan naman tayo. Puwede nyong sabihing sa kanila...wow that's SYNECDOCHE. =).
No comments:
Post a Comment