Monday, April 4, 2011

Pina Colina

Isang kakaibang outing ang PB2011.  Mahirap i-compare sa mga ibang outing dahil siguro sa venue.  Sa ala-ala, ito ata ang kauna-unahang beses nag-outing ang PB sa Tagaytay.

Ang PB Summer Outing attire namin ay jackets at sweater=).  Nung bandang 7pm na, grabe na ang lamig lalo na dala nung malalakas na hangin.  Di na kelangan ng aircon. 





Challenge din ang swimming, pinuntahan ko ang mga bata - enjoy naman sila, kaso nga ngatog na ngatog talaga.  Pero since may jacuzzi naman, enjoy ang PB3G at 4G na magbabad nung gabi na. 





Malaki ang outing venue namin.  Para siyang isang malaking compound.  Galing nga kasi na-reserve ni Tita Edith ang tatlong cabin, so parang amin ang kalahating area ng lugar exclusively.  Sa Cabins 1 and 2, ang ganda ng view from the terrace - overlooking Tagaytay at ang Pineapple plantation.




Since maluwang ang area, puwede mag-volleyball at puwede din mag-football. Ang mga bata naman nag-enjoy sa paglalaro sa inflatable playground. 




Ang binayad sa outing ay P600/person.  Matatandaan - last year 570 pesos ang binayad natin sa Pansol.  So di na masama. 

Nagustuhan nyo ba ang venu natin?

No comments: