Monday, January 12, 2009

Magtipid

Sa panahon ng krisis, ay talamak na ang mga commercials para hikayatin ang lahat sa pagtitipid - sabon panlaba (2 higit sa isa) , shampoo (25% more), pansahog sa luto. Pero ito ang listahan ng mga naiibang uri ng pagtitipid. Save money at save the environment na rin.

1) Reduce Phantom Power
Ang phantom power ay ang 'multong' konsumo ng kuryente gawa ng mga kasangkapan na naka-off pero nakasaksak pa rin. Meron pa ring kuryenteng dumadaloy maski naka-off ang mga appliances. Puwede niyong sabihin singko sentabos lang iyon. Tama! pero ang singko sentabos kada oras i-multiply mo ng dami ng kasangkapan mong naiwang nakasaksak, malaki iyon sa isang buwan. Ayon nga sa study ng US Energy, 75% ng kuryenteng nakokonsumo sa bahay ay galing sa "stand-by" power.

Kaya, tanggalin sa saksak ang mga kasangkapang hindi ginagamit.

2) Huwag Itodo ang Bukas ng Grupo
Matagal na nating naririnig ito galing sa mga nanay at tatay natin. Pero totoo pala ito. Simple lang ang paliwanag - mas malakas ang bukas ng gripo mas maraming tubig ang nasasayang. Subukan nyo ring isipin, talaga bang mas bumibilis ang paghuhugas pag mas malakas ang tubig?

3) Check Tire Pressure regularly
Kapag malambot ang gulong, mas malaki ang konsumo ng gas. Kase doble o triple ang kelangang itakbo ng makina na ginagamitan ng gas. Parehas din ito kung hindi pantay pantay ang pressure sa mga gulong. Kaya minsan na parang mabilis ang konsumo ng gas natin, i-check natin ang pressure ng gulong. Talagang makakatipid, at makakatulong pa sa kalikasan. Ang suggestion ay magpa-check ng tire

4) to be continued

No comments: