Tuesday, January 13, 2009

Usapang Kape

Bago pumasok ng office nakaka-2 tasang kape ako. Una pagkagising, at pangalawa bago umalis. Kanina, color coding kasi, pag dating ko sa office ay nakahanda na ang aking Tall with 1 Splenda Americano, lagpas alas-10. Merong biglang nakipag-usap sa akin tungkol sa kanyang promotion ng bandang 11:15 -syempre over coffee. Short Americano ang inorder ko.

May client lunch kami kanina sa La Regalade ( one of the best French restaurants sa Pilipinas) sa may Pasay Road. Habang nag-dessert ako ng Tarte au Chocolat, syempre umorder ako ng Espresso.

May meeting ako with the executives ng bandang 3:30 at iyon ang aking huling kape sa araw na ito, muli Tall with 1 Splenda Americano.

In summary, today: 2 Brewed Coffee + 7 Shots ng Espresso (2 shot kasi sa Tall Americano e). Ang siste, e hindi extraordinary ang araw na iyan. In terms of coffee average iyan. =).

Kayo, ilang 'coffee' ang ininom ninyo buong araw kahapon? At para sa inyo saan ang 'best' coffee? Kung sa ibang bansa, OK din, pero magsabi din kayo yung andito sa Pilipinas.

11 comments:

Anonymous said...

ang naiinom ko coffee,nescafe coffee sa vendo machine sa accenture...libre kasi eh...hehehe...

sa starbucks gusto ko hot white chocolate mocha...hehehe...=)

manlilibre ka ba tito ido ng coffee kya nagtatanong ka kung nu ang best coffee para sa amin...hehehe =)

Anonymous said...

I think coffee is bad for our health. Orange Juice is better and it helps us na gumanda ang skin pa ntin and makes us look young. Pero nag co-coffee din me minsan sa isang buwan starbucks mocha frap lang.hehehe...

Darwin's Theory said...

sure! pagka-libre mo sa amin sa LaserTag - libre ko kayo ng coffee. hehe

Anonymous said...

regularly, am pagkagising, 10 am sa office, after lunch, 3 sa office, 1 after dinner. may additional pag may client call sa coffee shops or bonding naming tatlo sa labas. average of 5 cups per day! Best coffee for me so far is UCC house blend, pero may kasinglasa nito sa West at lower price, sa Panciteria Lido.

Anonymous said...

yes! may kasama akong 5 cups a day.

ayo said...

ako pinaka gusto ko sa gloria jeans coffee kasi di masyado strong.

Anonymous said...

hoy ebot mas madami pang chokolate at cream yan kesa kape ah!

Masarap ang UCC Blue Mountain coffee--meron din yata nyan sa Pinas?!

Syempre masarap din ang philippine brand-cafe amadeo at pahimis

Darwin's Theory said...

Agree ako sa UCC. maski anong kape dun. Pero special ang Blue MOuntain. NIlibre ako ni Che-Che nung binisita ko siya sa Beijing. Parang 500 pesos each ata.

Kung 50 pesos lang ang pera mo at gusto mong mag-kape:
Cafe Via Mare - 45 pesos (sana di pa nagtaas) kaso sobrang konti

Dunking Donut - the best tasting cup of coffee for less than 35 pesos.

jorge said...

favorite- cafe au lait syempre sa cafe breton.

Usually 4x a day: 1 cup- Great Taste instant sa breakfast; 2 cups- Maxwell House Rich 3-in-1 sa office, 10am and 2 pm; and 1 cup Great Taste instant ulit after dinner pagmay ginagawa pa.

Darwin's Theory said...

kuya jorge, meron ng UCC na instant coffee. Sabi ni Mommy pinakamasarap daw sa mga instant coffee, di ko pa nasubukan. Naisip ko na since favorite ni Tita Helen ang UCC at ikaw instant,ito na ang perfect 2-in-1 for you.

jorge said...

he he he , ok yun, UCC na instant, matikaman nga minsan.