Friday, January 2, 2009

Pang-Mayaman

Namangha. Nagulantang. Napanganga.

...ang mga naging reaksyon ng makita ang PB Happy New Year Lunch Banquet(para sosyal). At bakit naman hindi; talagang kagila-gilalas ang mga nakahain. Pero teka, unahin muna natin ang napakagandang patio (ito iyong garahe ha, pinaganda lang ang tawag) na animoy Mediterranean motiff sa picture, with matching vines pa. Saka, Appetizer pa lang nagkatalo na: freshly picked plump red strawberries direct from Baguio and steamed legumes from the mountain (nilagang mani po ito).

Para sa mga ka-PB sa Canada, Singapore at Novaliches na di nakadalo, eto ang mga putahe ng ina (at ama) natin na inyong na-miss:

1) Shabu-Shabu: maganda at kakaiba ang pasok ng 2009, kung ang hain nila Par, Lolipot, Ate Edith ang basehan. Unang beses sa kasaysayan ng PB, meron tayong sumptuous Shabu-Shabu feast. At halos mabaliw talaga ang marami sa dami ng sangkap, sa samu't-saring mga pampalasa, at higit sa lahat dahil hindi nila alam ang gagawin!

Merong lapu-lapu, pork, tofu, squid balls, kikiam, veggies, mushrooms, seasonings, FRESH SHRIMPS at SCALLOPS! Scallops! meron talaga nito! maisip nyo bang may mag-hahanda sa atin ng SCALLOPS? Gosh! Ang nasabi ng mga tao: Pang-mayaman!

Pamilya Banal, don't forget on January 5 when you are school or office or at work:
Kaibigan: So, anong handa nyo nong New Year?
Ikaw: Nagtipid kasi kami e, SCALLOPS lang

2) Lumpiang Santan. Tiyang brought her kusinera to Los Banos to cook her spey-sial lumpia. So yummy, we are baptizing it with a new name.

3) Chorizo de Binan. Lola Maam made hiwa-hiwa and durug-durug the longganisa, and added banana de saba for her signature 2009 dish.

4) Arroz ala Ecija. Perfect with Steamed Vegetables. Buro lang ito na pinaganda pangalan hehe. Modernized by Ate.

5) Bottomless BBQ. Astig ito, dahil sangdamakmak na nakain namin, hindi talaga nauubos. Tito Egay's savory dish is also miraculous. Lahat kain ng kain, pero di talaga nauubos. Dapat pala nag-take home tayo.

At marami pang iba: Milkfish Roulade (Rellenong Bangus hehe), Tenderloin Tips, Fish in White Sauce at for dessert: Leche Flan, Fruit Salad, Peachy2 and Fresh Pineapple Surprise.

PICTURES:
Malamang na-stress si Diane, dahil inappoint siya ura-urada ni Par to lead the prayer. Pero, nagulat ang lahat sa taimtim at akmang-akma na Prayer before Lunch.

Tiyang's Secret: Her Kusinera


Ngapala may Crabsticks pa pala. Don't forget to tell your friends, FRESH SHRIMPS, CRABSTICKS and SCALLOPS.


Ang technique: Si Lolipot ang nag-pre-pare ng Shabu Soup. Kaya nakaka-adik.


Talagang Cinareer nila Par ang Shabu-Shabu.


Medyo maalat na ang soup nung mga oras na ito.

3 comments:

Anonymous said...

Thank you sa shabu-shabu nila Par at Edet, sarap na healthy pa!

(Kitang-kita sa picture na talagang cinareer ni Par ang pagiging chef, yes!)

Anonymous said...

Eh mukhang kasama sa plano ni Par yung Shabu-shabu, praktis lang para sa retirement nya! he he

Anonymous said...

The best yung soup nila. Pwede ng mg-chef talaga sila.