Saturday, January 3, 2009

PB Blog Awards for 2008

Sa loob ng 1 taon at 2 buwan ng PB Blog, nagkaroon tayo ng 3,736 na bisita. Sa katunayan, sa loob lamang ng 3 araw ay pabalik-balik tayong nagbisita ng blog ng 336 na beses. Kaya, bago natin iwanang tuluyan ang 2008 at bumalik sa tunay na bahay, parangalan natin ang mga kakaiba ng 2008.

PINAKASIKAT NA BLOG POST/ARTIKULO
Mga Runner-Up:
- Win an I-Pod, Free Gas in the PB Outing (Aug 08)
- Mga Hubad sa Laguna (Sep 08)
- PB Christmas Party Bulletin #1 (Dec 08)
- Tribute to Par (Dec 08)

And the winner is: December Birthday Greetings (Dec 08)

WORD OF THE YEAR
Ito ay madaling piliin, dahil unanimous decision.
Mga Runner-Up:
- Thunders. Ibig sabihin = matanda, gurang, may edad na.
Ang paggamit: Ang mga Thunders posing ala Teenagers
From Tito Ido in Sep08 blog

- 4K. = Karen, Kevin, Kriza, Katrina; mga nakakatanda sa 3rd Generation
Ang paggamit: I nominate 4K to be the officers.
From Evot in Oct 08 blog, dahil sa successful 50th Bday program ni Ate

- Kulaba. = eyebags
Ang paggamit: Ano ba! Contest ba 'to ng palakihan ng kulaba?
From Tita Che in Apr 08 blog. Dahil sa pose ng 5 sisters nung Summer Outing.

The winner is: INFERNESS = sa katunayan, actually, maski na, subalit, datapwat
Ang paggamit: ...pero si ate karen lumapit sa americanong nag iisa tapos kinausap niya INFERNESS nag english siya
From RapRap in Dec 08 blog. Sana ay magamit nyo ang ating PB Blog Word of the Year, pero huwag naman sobrang dalas.

PB BLOG PICTURE OF 2008

Sobrang hirap pala nito. Dahil sa dami ng mga pictures na na-post sa blog. Sobrang hirap pumili ng 5 lang. Maraming ibig sabihin ang mga picture at ang mga iba naman ay maganda maski walang ibig sabihin. Siguradong mag-a-agree kayo sa ibang pics. Pero sigurado ring hindi kayo mag-a-agree sa ibang napili. Paki-comment na lang ang iyong mga opinyon. Eto na ang Top 20 Pics.

Pictures Top 11-20

#20. (May 08) Paano nga ba mag-tour ang mga madre? Natawa ako pagkakita ko ng picture ni Sr. Vicky. Siyempre nag-po-pose din sa mga tourist spots. Tao rin sila ano!

#19. (Nov 08) Natawa talaga ako, kasi siya talaga ang atat na atat na computin na ang Bowling Scores

#18. (Apr 08) Mahirap gawin ang pyramid sa tubig, at mas mahirap ma-capture sa picture.

#17. (Dec 08) Parang sobrang sarap mag-burger, burger, burger.
#16. (Apr 08) Hindi ko inakalang masasabi natin ever: Ate Bhogs vs. Ate Vangie sa Summer Outing Finals. INFERNESS, 100% attendance si Ate Vangie nung 2008.
#15. (Nov 08) Sa pagtingin ninyo sa picture, maisip nyo bang sila pala ang 4th place? Mas mukha pa silang nanalo kesa sa 3rd and 2nd place teams!

#14. (Apr 08) 3rd Generation Sings with Energy. At pansining mabuti ang bibig ni Miguel, Gab at Meg - talagang performance level sila! Sabi ko sa inyo e.


#13. (Apr 08) Mahirap ang pose na ito, at mabuting nahuli ng camera. Parang ang sarap ulit mag-outing.
#12. (Nov 08) Muntik na talagang ipa-dialysis ni Ate Edith nung araw na iyon. Ang nakakapikon lang sa picture na ito e pinapamukha pa niya sa atin na hindi niya ginagamit ang kaliwang kamay niya.

#11. (Dec 08) Ito ang ibig sabihin ng PERFORM TO THE MAX. Tignan nyo ang reaksyon ng mga tao - mga nawalan na ng ulirat. Kung nakita lang sana natin ang facial expression niya, pang Top 3 na ito.


Abangan ang Top 10 PB Blog Pics of 2008.

No comments: