Showing posts with label Blog Matters. Show all posts
Showing posts with label Blog Matters. Show all posts

Sunday, February 1, 2009

Puwes, eto mga Yagit

Medyo kakagulat ang resulta ng poll. Iisipin mong medyo close fight, pero overwhelming result at... to the contrary.



Para opisyal na tapusin ang linggo ng mga larawan ng "mahihirap". Maski na OK ang damit, e di pala matatago ang mukhang NALUGI. Wala na atang mas mukhang mahirap kesa sa picture na ito.

Wala ng makakaalam

Sa loob ng dalawang linggo, lagpas 500 pictures na ata ang na-scan namin ni Carl. Marami dun nakita nyo na, pero marami ang mga special pics.

Simulan natin ang February ng masaya. Eto ang isa sa pinakamasayang pic na na-scan namin. Hula ko mga 17 years ago. Di ko sigurado kung saan ito, di ko sigurado kung kelan. Di ko nga sigurado kung pati sila naalala nila kung bakit.

Basta masaya. Sana ay mapasaya nilang tatlo ang buong Pebrero niyo.



Saturday, January 31, 2009

Top 5 PB Blogger Locations

The demographics of our visitors has changed this week. Here are the top 5 visitor locations from 1/25-1/31.

#5. Livermore, California
#4. Diliman, Bulacan
#3. Quezon City
#2. Las Pinas
#1. Toronto, Canada

Thursday, January 29, 2009

POSING DO's and DONT's Part 1

BABALA: Kung mahina ang sikmura mo o kaya ay sensitive ka, e please skip this post.
O ayan a, may warning ka na....
************************************
Marami talaga tayong matututunan sa mga lumang picture - kabutihang asal, pagpapahalaga sa pamilya, pagkakaisa at higit sa lahat: LAGING HANDA PAG KODAKAN na. Pero madalas, e kelangan pa nating masaktan bago matuto.

Eto ang mga examples. And welcome to our TULARAN at HUWAG TULARAN Series.

TULARAN #1.
Parang ang sarap ng kinakain nila di ba? Mapapa-burger burger ka talaga. Ang ibig sabihin e, hindi naman bawal magpa-picture habang kumakain. Dahil puwede mo 'tong gawing ASTIG.

HUWAG TULARAN #2.
Huuuy, huwag naman ganyan kalaki ang subo. Asa restaurant ka kaya. At wow, tumingin pa talaga siya sa camera! Gosh!

TULARAN #2
Kapag hindi ka naman sobra sobrang kaguwapuhan e ganito gawin mo: 1) siyempre lumayo ka sa camera ng maitago ang mga baku-bako 2) huwag ka munang huminga for 10 seconds, para mukhang maliit tiyan at 3) tumapat ka sa tubigan at mag-imbento ng pangalan ng fountain sa France o Spain o maski na saan basta malayo. Instant pogi points di ba?

HUWAG TULARAN #2


Nye! OK lang tumawa sa picture, pero gosh! huwag naman ganyan. Balang araw e puwede mong pagsisihan yan. Payat + malaki tiyan + humahagikgik = kelangan ng COMBANTRIN!

TULARAN #3
Kung 8 years old ka at nasa tabi ng swimming, aba e puwedeng puwede ang pose na yan. Natural hindi pilit. At talagang cute ng dating.

HUWAG TULARAN #3

haha! At nilipat pa nya sa kabila. Siguro kung di ka naman kandidata sa Little Miss Philippines, e hindi ko inaadvise ang ganitong pose.

TULARAN #4


Eto ang sinasabi ko. Hindi mo naman talaga kelangang nakatingin sa camera lagi para maganda ang pic. Puwede ring stolen shot o candid, pero maganda pa rin ang register sa film.

HUWAG TULARAN #4


Hindi porket ikaw ang bunsong pinsan e lagi ka ng cute. Maski anong edad, kapag bilugan ang mga hita mo e huwag ka na sigurong mag-mini, lalo na kung meron kang bakokang.

TULARAN CLASSIC
Para namang hindi nyo alam na dito rin tayo papunta...




Siguro TULARAN pa rin. Kapag nagawa na PANINDIGAN na. At kapag PINANDIGAN NA e di IPADALA pa sa ibang bansa. Talagang SOSYAL!
***************************
Gusto nyo ba ng part 2 ilaglag naman natin iyong iba?

5 Years After

The date: Sept 28, 1984. It was Che-Che's 7th Bday. So around 5 years after the now legendary 1/29/79 "Mukhang Mayaman" pic.

2 Problems:
- Unfortunately, I don't think we changed for the better 5 years after
- Worse, MAS MALINAW NA ANG MGA PICTURE!







Palagay nyo, nagbabasa ba ng blog si Par? parang hindi ano? kasi ni hindi man lang siya nag-co-comment. Pero ayoko pa ring mapahamak, kaya sasabihin ko na ang totoo: maski payat pala si Par mukha pa rin siyang artista.

LIVE CHAT Resched

Based on BIRTHDAY BOYET Request, our Live Chat on Sunday Feb 1 will be at 1PM (Manila time). THis might be a better sked for us in Manila,kasi tapos ng mag-lunch so puwede talagang mag-relax habang nag-cha-chat.

Inaayos namin na Yahoo Messenger ang gamitin natin. Ang major constraint ay isa lang ang puwedeng camerang naka-on. So at least makikita natin si Tito Boyet, tayo di niya makikita. Pero OK na rin kasi at least may audio, magkakarinigan tayo.

Kung sakaling magkaroon ng aberya, e di balik tayo sa BLOG Chat Box.

More instructions to come in the next days. Chat-Chat!

Wednesday, January 28, 2009

1979


Baka naman mag-comment pa kayo na malabo ang picture. Ang reaksyon ko nga nung una kong makita ang picture ay: MAY CAMERA NA PALA NUN! INFERNESS, colored naman ang picture 30 YEARS AGO.
Maski mukhang tukmol tayong lahat, e of course puwede pa ring mang-laitan, lalo na ang mga buhok. At least di na tayo magiisip kung anong itsura natin 30 years ago.
In summary: "ang ganda ng kuha natin dito, parang mga anak mayaman eh". MWAHAHAHAHAHAHA.

Perang Bato

Talamak din sa internet ang mga tinatawag na FRAUDS or SCAMS. Sari-saring gimik at kanya-kanyang style ang mga manloloko. Di naman kelangang huminto mag-blog, mag-comment o gamitin ang BATIAN BOX. Kelangan lang nating iwasan na magbigay ng ating email address o kaya'y phone number, o house address sa COMMENTS o maski na sa BATIAN BOX.

Kapag naglalagay naman ang mga tao ng mga ganito e dine-delete ko kaagad. Pero reminder lang sa lahat ng PB Bloggers tungkol sa paglagay ng privileged info.

Iyong mga ibang scams naman talaga e sobrang obvious na scam. Lalo na yung mga nagsasabi na magkakaroon ka ng daang libong dolyar mula sa LOTTO o kaya ay sa wire transfer. Eto ang mga pinakasikat na mga SCAMS sa ngayon. Puro mga pera na naging bato.

1) The Nigerian scam, also known as 419. You will receive an email from a member of a wealthy Nigerian family. It is a desperate cry for help in getting a very large sum of money out of the country. A common variation is a woman in Africa who claimed that her husband had died, and that she wanted to leave millions of dollars of his estate to a good business. In every variation, the scammer is promising very large payments for small unskilled tasks. This scam, like most scams, is too good to be true.

They will promise you a large cut of their business or family fortune. All you are asked to do is cover the legal and other fees that must be paid to the people that can release the scammer's money. You will never see any of the promised money, because there isn't any.

2) Advanced fees paid for a guaranteed loan or credit card. If you are thinking about applying for a "pre-approved" loan or a credit card that charges an up-front fee, ask yourself: "why would a bank do that?". These scams are obvious to people who take time to scrutinize the offer. Remember: reputable credit card companies do charge an annual fee but it is applied to the balance of the card, never at the sign-up.

3) Lottery scams. Puwedeng Irish Lottery or UK Lottery. You will receive at least one email from someone saying that you won a huge amount of money. This scam will usually come in the form of a conventional email message. It will inform you that you won millions of dollars and congratulate you repeatedly. The catch: before you can collect your "winnings", you must pay the "processing" fee of several thousands of dollars. Stop! The moment the bad guys cash your money order, you lose. Once you realize you have been suckered into paying $3000 to a con man, they are long gone with your money. Do not fall for this lottery scam.

Sabi nga ni Kuya Jorge aka. John Lloyd, laging INGAT!

Monday, January 19, 2009

Recycle Series #2: Darwin's Theory of Evolution

Sikat pero KONTROBERSYAL ang Darwin's theory of Evolution. Maraming theories si Darwin tungkol sa tao at pagkatao, pero ma-su-summarize natin sa larawang ito.



Ang pangunahing pinagmulan ng evolution theory ni Charles Darwin ay ang akda niyang Origin of Species.  Mula sa ilang dekadang pagsaliksik, matagumpay na dinokumento at inanalisa ang kasaysayan hindi lamang ng ebolusyon ng tao kung hindi ng mundo.

Una, pinasinungalingan nito ang edad ng mundo ayon sa Bibliya.  Bilyong taon na ang mundo ayon sa pag-aaral ni Darwin.  Inaral niya ang uri ng mga batong na-deposito sa ilalim ng dagat.  Sa paggamit ng Carbon Dating, matagumpay nyang na-compute kung gaano katanda na ang mundo. Ayon sa kanyang pagsusuri, hindi rin sabay-sabay ang paglabas ng lahat ng species sa mundo.

Matinding pagtuligsa ang ginawa ng simbahan sa akda na ito ni Darwin.  Ayon kasi sa Bibliya, ang mundo ay ilang milyong taon pa lang.  Na-compute ito mula sa pagsasalin-lahi ng tao mula kay Eva at Adan hanggang sa kasalukuyang panahon.  Di ito tumugma sa kalkulasyon ni Darwin base sa sedementary deposits ng uri ng lupa sa tulong ng Carbon Dating.  Kaya nga ang mga siyentipiko at mga naniniwala kay Darwin ay hindi rin naniniwala sa impormasyon sa Bibliya.

Pangalawa, ang Theory of Evolution ni Charles Darwin ay sumusuporta sa Big Bang Theory.  Ayon sa kanyang pagsasaliksik, ang mga species ng hayop at ang mga uri ng sedementary deposits ay sumusuporta sa unti-unting pagkabuo ng mundo at hindi lang nagmula sa isang source o nilalang.  Ito nga ang naging dahilan kung bakit ang paniniwala sa paglikha ng mundo ay mahahati sa:  Evolutionists at Creationists.  meron bang diyos na gumawa ng mundo?  O ang mundo ba ay nanggaling sa isang Big Bang, unti-unting paglikha ng mundo mula sa simpleng molekyula lamang?

Ayon sa mga naniniwala kay Darwin, kung totoo ngang ang diyos ang lumikha ng mundo, bakit mali ang tala ng panahon sa bibliya?  Di ito tumutugma sa ebidensiya ng mga fossils at sediments.  Pangalawa, kung totoong diyos ang lumikha ng langit, lupa, tao at hayop, bakit merong katibayan siyang nalakap na ang mga hayop ay nagbabagong anyo sa takbo ng panahon?  Maraming mga hayop ang nagpalit ng anyo dahil sa pagbagay sa klima at kapaligiran.  Di kaya ito ang katibayan na wala talagang lumikha?  Ang mga hayop, halaman at tao ay nag-evolve at patuloy pang nag-e-evolve. 


*****************************
Ngayon, i-apply naman natin ang Darwin's Theory of Evolution bilang bahagi ng Recycle Series. Ang ating unang biktima, este 'specimen' ay ang no.1 taga-COMMENT ng PB Blog for 2 weeks - si Kuya Evot.
1990. Nagsimula siya sa gilid lang ng telon. Wala pang 'speaking part', EXTRA kung baga. Katulad ni Kuya Germs, taga hawak ng kurtina.
Makalipas ang 5 taon. Unti-unti na syang nabibigyan ng break. Aba! INFERNESS, may ROLE na siya...bilang TASA!


Noong 2002, tumanggap pa rin siya ng mga teeny-bopper role. Kung saan ay pa-TWEETUMS at pa-CUTE, bilang DANCING SUNDALO ng VILLAGE PEOPLE.
Ilang taon ang lumipas, naging DARING/MAPUSOK na siya at gumanap bilang FELIX BAKAT. Katulad ni Philip Salvador, Rio Locsin at Lorna Tolentino, ginamit lang pala niya ang pagiging DARING as "stepping stone", "For the sake of art". Sapagkat
Ilang taon lamang ang lumipas...Best Actor na siya ng 2007! Isang lehitimong aktor na siya.


Iyan ang Pamilya Banal Ebolusyon ni Kuya Evot. Ang totoo, nanghihingi lang ng pics si Charisse para sa Video na gagawin nila, haha.
*************************************
Sa Pamilya Banal, talagang may EVOLUTION ang performance ng tao. Nagiging Star, gumagaling, tumatatak ang performance. Abangan...sino kaya ang susunod na e-evolution natin...ta da da dan.

Recycle Series #1

Ang mga pinaka-astig na per-Family PB pics ay nung 2003 Joke Joke Joke Christmas. Di ko na maalala kung kaninong idea na magpicture ng seryoso, pero mga t-shirts at ang stage ay "joke joke joke". Medyo malabo mga pics (pa-double-click o i-save para lumaki), pero matitindi.

Exhibit 1: Domingo Family.

Wow! look at everyone mega-emote di ba? Nakakaloko talaga. Look at the kids - lahat sobrang serious at lahat merong 'powerful stare'! Mga bata pa nang-uuto na! Good job.

Exhibit 2: Soriano Family.

Para talagang balak maghamon ng away o iyong iba naman ay nalugi.

Exhibit 3: Mesina Family.

Emote na emote talaga. hahaha. Special mention kay Ate Aix, na may black-eye pa talaga - ayos sa props!

Exhibit 4: Lising. Astig ah! Parang tatambangan na sa kanto si FPJ ni Paquito. Emote din ang Tiyong!

(sorry wala akong pic nung Lising Family, meron ba kayo?)


Exhibit 4: Beauties. Laban kayo? Antataray nila ha. Look at Tita Rhoda, wow mega-emote talaga. Sino kaya inspirasyon nya ng ganyang tingin? (ok, hwag nyo na sagutin).


*************************************
Mahusay! Pang-asar! Pero mahirap mag-emote nun dahil tawanan ang lahat at saka nag-pra-practice para sa joke. Pero merong mga 1G at 2G na pasaway ha - mag-smile ba?!?! Pero solid ang performance ng 3G ha, across pics. Kudos sa inyo!

Sunday, January 18, 2009

LIVE CHAT with PB BLOG SPECIAL GUEST

Please mark your calendars for a LIVE CHAT with Special PB Guest.

Saturday, January 24, 2009 from 12 noon to 1PM.

Sana puwede kayo.

Tito Jorge Shares a Joke

Tatay : kumusta ang pag-aaral mo, anak?

Anak : Nag-aaral po kami ng tungkol sa mga manok at itlog.

Tatay : Oh, ano, madali ba?

Anak : Chicken na chicken po!

Tatay : Ano naman ang grade mo? Anak : Itlog po!

Meron din kayong baon?

Saturday, January 17, 2009

Best Picture ng 2008

Alinman sa Top 5 pics, puwedeng maituring na Best Picture. Pero espesyal at natatangi ang larawang ito. Madalas tayong natatanong ng mga kakilala kung ano at sino ba ang Pamilyang Banal? Sa isang larawan ay nasasagot ang tanong na ito. Ang pagkahilig sa kasiyahan at sa pagsasama-sama. Iba-iba mukha pero isang Pamilya Banal.


Remembrance

Di na masyado uso ang mga graffiti, ano? Kasi nga may blog at forums na. Simple lang ang rules sa Blog Wall - 1)Walang 'anonymous' na mag-po-post - 2)Igalang ang sagot ng iba - 3)Gamitin ang 'Comments' - 4)Mag-enjoy

Una...
Gusto ko na maalala ako ng mga tao bilang

Nanette

Para sa akin ang pinakamahusay na invention ay

Gimik

Ano gimik mo kagabi, Friday night?

Wish

Kumpletuhin -

Ngayong 2009, sana ang Pamilya Banal ay...

Wednesday, January 7, 2009

Jam Blog

Gusto nyo bang mag-jamming o may music habang nag-blo-blog?

Salamat sa YouTube. Puwedeng Puwede. I-click lang ang Video link sa kanang ibaba, at puwede ng may background music. Puwede ring mag-sing-along dahil may lyrics.

Ang ating song of the week ay ang paboritong song ni Kuya Kevin for 2008. Ito ang "I'm Yours ni Jason Mraz. Parang folk-rock ang kanta, so puwede pang Gen X puwede rin pang Gen Y.

Bigyan ng few seconds bago mag-load ang video. Pag sawa na sa video click ang "i'm done watching".

Enjoy!

Monday, January 5, 2009

First Day: Maniwala sa Sabi-Sabi

SABI ng horoscope, e ang mga pinanganak ng year of the OX ay dapat pumasok sa unang araw ng 2009. Na-realize kong meron akong dapat kunin sa opisina. Kaya pumasok na rin ako, medyo late nga lang. INFERNESS, di masyado traffic. kakagulat.

SABI ng iba, e di raw ako nagsusuot ng mga nireregelo sakin sa Pasko. Hindi totoo yan. For example, look at my new barong. Sinuot ko kanina. In summary, bigyan nyo pa rin ako ng gifts sa Pasko dahil talagang ginagamit ko haha.



SABI ng mga nakakatanda, e hindi daw OK magbigay ng regalong may buhay. So nagulat ako sa bagong regalo sa opisina ko - Poinsettia. Naisip ko kaagad, astig! Maisip mo bang mag-regalo ng halaman sa Pasko. Kaso, mga dalawang linggo na sya sa opisina kong nakakulong.



SABI ng Nanay ko e kaya nya raw buhayin ko. Hmmm... medyo mainit sa bahay namin. Pero sige inuwi ko na rin. Sana nga mabuhay ang halaman at umabot hanggang Paskong 2009.

SABI ni Ditse ay 45,000 daw ang sapatos ko. Haha. Ang totoo, malapit na sa kasalanan ang dami ng bagong sapatos na nabili ko ng 2008. Kasi, good investment ang magandang sapatos. Puwedeng tumagal ng 5-10 taon. At saka nakakabawas ng chances ng rayuma Hehe. Pero, hindi po totoong iyon ang halaga ng sapatos tulad ng pinagkakalat ni Ate Yet. Sana nga totoo.


SABI ni Karen, dapat bago ang damit, gamit at sapatos sa First day of School. Kaso, di naman bagay ang aking di-45,000 shoes sa bago kong Barong. Saka, naisuot ko na yun nung isang beses nung Jan 1, luma na yon. hehe.

Kayo, kumusta ang first 2009 day nyo sa School, sa Office, o sa Trabaho? sa Tindahan? sa DayCare? sa Barko? sa Lab? sa Shop? sa Farm? Sa Tutoran? Sa Condo? o sa Dialysis? sa Kumbento? sa Casa? sa Hospital? sa Saklaan? sa Hotel? Sa Labahan? baka may nalimutan ako magtampo... sa Paggalit sa mga bata sa Santan?

Sunday, January 4, 2009

2008 PB Blog - Top 10 Pics

#10) (Nov 08). Maliban sa Pasko, Bagong Taon at Outing, ang bowling tournament natin lang ang fixed na pagkikita-kita ng PB. Ang picture ay nagpapa-alala sa kakaibang tournament ng 2008: ang pinaka organized, ang may pinaka magandang premyo, pinakamatipid (libre e) at pinakamagandang tarp...at ang sarap ng mga Ngiti ng Champion.



#9) (Sep 08). Parang sobra talagang sarap mag-swimming pag summer. Taas na mga kamay, taas pa pati paa.


#8) (Dec 08). Ang nakamamatay na dumadagundong 'Pila Performance' ni Kuya Jorge. Na halos ikabaliw ng audience. Pati nga si Tita Edith napa-gaya pa.

Isa pang kamangha-mangha dito ay dumadami na ang natutunan niyang dance steps (may pump, pa-sexy at ang silya dance with Par). Kabahan na kayo sa mga bago pa niyang steps sa dadating na Pasko.



#7) (April 08). Ito ang perfect picture para sa Album, o sa Fund-raising program ng mga madre o kaya sa Introduction ng telenovela (pag naging pelikula buhay natin) o kaya sa video habang tumutugtog ang "Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita..."


#6) (Oct 08) Ang ganda kasi ng kulay. At saka maalala mo kasi ang kakaibang performance ng 1G sa napaka-bonggang okasyon. At saka, bago ito, kelan nga ba ang last performance nila together? ... Exactly! Di na natin maalala. So a reminder na marami pa silang ibubuga. Lalo na si Ditse, siya nga lang nakatingin sa camera e.


Ang PB Blog 2008 Top 5 Pics...Abangan.